I grew up in the Philippines and so I am so familiar with the ever ubiquitous “tabo” (dipper) in every CR (comfort room) or Filipino bathroom. This has been ingrained in our culture and for us, using the tabo when we use the toilet is the only considered and acceptable proper hygiene.
The tabo that I grew up with was not even a real dipper with a handle that you can buy in the market, but rather was an empty, sanitized, repurposed, 1-quart motor oil plastic cylinder that was common in the 1970’s. Or it could also be an empty half-gallon Magnolia ice cream plastic tub. Now, you can buy a simple plastic tabo, with a wide array of color, yet rather cheap from the palengke.
Several years ago, MUJI, a famous Japanese department store, came out with a very chic and quite expensive tabo that costs a couple of hundred of pesos. On its caption, MUJI wrote: “This is not your ordinary bath dipper; aside from its clean and simple design, the angle of its handle is designed to make it easier to scoop water with less weight on hand.” I guess we can be considered “sosyal” for we got our tabo from MUJI.
Needless to say, even if we have been living in America for several decades now, the use of the tabo has not disappeared in our daily life. For us, using the toilet paper alone is not clean and sanitary enough. When we would go on a trip and stay in a hotel here in the US, we always have a make-shift tabo – whether it is an empty plastic water bottle, or a large cup, or even the hotel’s ice bucket.
I have not been back in the Philippines for about 8 years. We planned on going home in 2020, but COVID happened and so the trip was cancelled.
Speaking of COVID, during that time, toilet paper became a sought after commodity in some countries including the US, that you can only buy a limited amount. Even policemen were seen guarding the stocks of toilet paper in some grocery stores (photo below) as some folks were hoarding them. I thought to myself, this would never happen in the Philippines as we don’t really need toilet paper, for we have the tabo.
A few weeks ago, we finally went back home to the Philippines.
The moment we landed in Manila, I have noticed that there is this “new trend” when I used the airport toilet. Since my domestic flight to Palawan for a medical mission would be the next day, we stayed overnight in a hotel nearby. Again I noticed this new trend in the hotel’s bathroom. Even the simple hotel where we lodged in Palawan had this device in their toilet, except for the one in the medical mission site (see previous post) which was basically a hole in the ground.
After Palawan, we travelled in other parts of the Philippines, which included a plane ride to Ilocos Norte to visit my relatives there, I noticed this trend again when we slept in a hotel in Laoag. Then we drove down from Laoag to my wife’s relatives in Vigan, Ilocos Sur, where we spent a few days and stayed in her niece’s newly built home, I noticed it in their bathroom as well. We also took a bus to Pampanga, where my wife’s ancestral home was, and their renovated house have this too. When we went to a resort in Batangas, I experienced it there again. Finally, when we spent a week in Metro Manila where we stayed in an Airbnb in Makati, the same was true. Is this the toilet norm now in the Philippines?
The toilet trend that I’m alluding to is that the beloved tabo is disappearing. Yes, the tabo is gone!
But before you conclude that Filipinos have abandoned their cleanliness and hygiene, well, it’s not that. The reason that the tabo is not needed anymore is that most of the toilets I have seen in the Philippines recently, now has a bidet. “Bidet” is actually a French word for pony, which means you have to do a straddling position to use the bidet.
I have encountered bidets before, like in Japan’s airport, in some hotels in Europe, and in rare fancy hotels here in the US. But those bidets can either be a separate toilet bowl or the water hose can be located and concealed underneath the toilet seat. The ones I saw in the Philippines were mostly handheld device that were mounted beside the toilet seat.
The reason I was a little surprise is that in America, bidets are almost non-existent. I am not judging Americans for their hygiene, it’s just that it is not their culture. In the Philippines, we have the tabo. Until now.
According to a study conducted by QS Supplies, a British bathroom supplies company, they found that rental accommodations in the Philippines have some of the highest number of bidets in the world. The common Filipino household may be following this trend, that is, if they can afford it. Italy has the most number of bidet, as there’s even a law stating that Italian homes should have at least one bidet. Believe it or not the Philippines now ranked fourth on that list.
I am not sure if I like the bidet over the tabo. Especially when the water is squirting so forcefully that it could hurt my bottom. Maybe I am old-school. Or maybe I am just nostalgically attached to the lowly tabo.
Ngayon patapos na ang 2024 Olympics, ano naman kaya ang ating susunod na pagkakaabalahan? Balik na naman kaya tayo sa mga walang kamatayang tele-serye? Sa Olympics sa Paris ay nakita nating nakasungkit ng 2 medalyang ginto ang ating “idol” na si Carlos “Caloy” Yulo sa larangan ng gymnastics. Gold sa floor exercise, at gold ulit sa vault.
Dahil sa pagkapanalo ni Carlos, siya ay umani ng limpak-limpak na papuri hindi lang mula sa mga mamayan ng Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Umani rin siya ng limpak-limpak na salapi, gantimpala, endorsements, kasama na rito ang bagong bahay.
Meron lang tayong mga tanong. Sino kaya ang magiging kapit-bahay ni Yulo sa kanyang bagong condominium na bigay ng Megaworld, sa Mckinley Hill, Fort Bonicfacio ? Mabundat kaya at maging tabachingching si Carlos sa kanyang life-time supply ng ramen at mac and cheese? Pero siguro ang mas importanteng tanong ay ilang mga batang paslit at mga kabataan kaya ang maeenganyong sumabak sa gymnastics dahil sa naging tagumpay ni Caloy?
Tulad noong sumikat si Pacquiao, maraming mga bata ang natuwang makipagsuntukan. Hindi sila naging basagulero, and ibig kong sabihin ay na-inspire silang mag-training sa boxing. At nang nagwagi naman si Hidilyn sa weightlifting ay marami rin ang nagsimulang magbuhat – magbuhat ng timba ng tubig, sako ng bigas, bag ng semento, at kahit ano pa para lang makapagensayo at gumaling sa weightlifting.
Sana naman ay maging magandang impluensiya si Yulo sa mga batang nangangarap na maging gymnast din. Noong ako’y bata pa, wala sa bukabularyo namin ang artistic gymnastics. Ang nasa bukabularyo ko lang ay luksong baka at Chinese garter. Hindi ko sasabihing walang hilig kaming magsirku-sirku at tumalon-talon noong kami ay musmos pa lamang. Sa katunayan ay nakomang at na dislocate pa nga ang aking kanang braso dahil sa hilig kong magsirku-sirko.
Pero wala kaming ‘hero’ na tulad ni Carlos Yulo. Ang sumikat at naging kilalang-kilala noon na magaling mag-tumbling ay si Ben Tumbling. Sino kamo si Ben Tumbling? Siya ay isang dating stuntman na naging isang kriminal at gangster. Siya ay namatay sa isang police shootout noong 1981. Nagkaroon pa nga ng movie na “Ben Tumbling: A People Journal’s Story” na ipinalabas noong 1985 at ang bida ay si Lito Lapid. Totoo, walang matinong idol ang mga gymnast noon.
Hindi naman sa walang naging kilala na gymnast noong kami ay kabataan pa. Nariyan si Bea Lucero na nanalo ng 2 gold medals at 3 silver medals sa artistic gymnastics noong 1987 sa Southeast Asian Games. Naging mukha pa nga siya ng Milo gaya rin ni Carlos Yulo. Kaya’t maraming mga bata ang uminom ng Milo noon para maging katulad daw sila ni Bea.
Pero noong panahon na ng 1988 Seoul Olympics hindi nakasali si Bea Lucero dahil sa pulitika. Nakakayamot talaga minsan sa Pilipinas, lahat na lang pinupulitika. Nasayang lang ang lahat ng pinaghirapan ni Bea, gumugol pa naman ito na mahigit 2 taon sa Oregon USA, para mag-training. Ang pagkakaalam ko nagpalit ng sports si Lucero. Siya ay lumaban na lang sa taekwondo sa Barcelona Olympics noong 1992.
Noong ako’y nagkolehiyo na sa UST, ay nag-gymnastic din naman ako. Pero hindi ‘yung kagaya ng ginagawa ni Carlos Yulo. Ang curriculum namin sa PE noong first year college ko ay Gymnastics. Gymnastics 1 (1st sem) at Gymnastics 2 (2nd sem) pa nga ang pinagpawisan ko. Subalit wala kaming ginawa kundi tumakbong paikot-ikot sa grandstand at soccer field. Muntik pa nga akong ibagsak ng aming instructor, na dati raw ay isang gymnast, buti na lang at ipinagtanggol ako ng aming dean (read the story here).
Kahit hindi ko naman talaga gustong PE ang gymnastics ay wala akong magawa dahil ito lang ang available. Gusto ko sana ng swimming, pero hanggang sa swimming lang ako sa baha sa Espanya kapag lumakas na ang ulan. Noong ako ay second year college na ang PE kong kinuha ay volleyball (1st sem) at basketball (2nd sem).
Ang gymnastics skill lang na itinuro sa amin, at eto ay sa gymnastic 2 na kami, ay ang forward roll. Ang forward roll ay hindi lumpia, egg roll iyon. Hindi rin ito sushi, tulad ng California roll. At hindi rin ito tinapay, bread roll iyon. Ang forward roll ay isang basic gymnastic move kung saan ikaw ay gugulong sa sahig ng pasulong. Alam kong maraming Pilipino ang gumugulong-gulong sa lupa kapag sila ay lasing na, pero hindi ito gymnastics, iyon ay alcoholics!
Kaya kahit ako ay nag-gymnastics 1 and 2 noong college ay hindi ako nakapag-tumbling sa vault at hindi rin ako nakapaglambitin sa gymnastic bar and rings. Gusto ko pa naman din sanang sakyan ang pommel horse at sumigaw ng “Hiyaaa! Tigidig-tigidig!” Ah, ibang kabayo pala yon. Hanggang kabayo na lang ako ng plantsa.
Dahil sa walang pera masyado sa gymnastics, hindi tulad ng basketball at boxing, kaya wala masyadong kabataan ang nahihilig sa gymnastics. Ano nga naman ang magiging kahihinatnan ng isang gymnast? Maging performer sa circus? Pero ngayon, matapos maging tanyag si Carlos, ay siguro maiiba na ang pagtingin ng Pilipino sa gymnastics.
Sa mga batang Pilipino ngayon, sana ay maraming sumunod sa mga yapak (at talon) ni Yulo at marami pang Pilipino ang maging magaling sa gymnastics, at marami pang maging parangal at medalya ang ating makamit sa sports na ito. Sana marami pang facilities ang magbukas at mag-offer ng gymnastics training. At sana ay suportahan din ng ating gobyerno ang mga kabataan na nangangarap na magpakadalubhasa sa larong ito.
Sa aming makabagong bayani, mabuhay ka Carlos Yulo!
Noong ako’y bata pa, isa sa aking ginagigiliwang panoorin ay ang mga butiki na naglalaro sa kisame. Siguro ikaw ay minsan ding nagbilang ng mga butiki sa inyong kisame.
Subalit nang ako’y lumabas na ng Pilipinas, ay may mga kakaibang panoorin na akong nakita sa kisame maliban sa mga nagliligawang mga butiki.
Medyo mataas-taas ang kisame sa gusaling ito (photo above), kaya’t siguradong patay ang butiki kapag nalaglag dito.
Dito naman sa kisameng ito (photo below), suwerte ang mga butiking magliliwaliw dito dahil pawang ginto ang kanilang lalakaran.
Dito naman sa silid na ito (photo below), siguradong hindi mga butiki ang pini-pictyuran ng dalawang babae dito. At siguradong hindi rin tuko.
At sa huling larawan sa ibaba, pakiramdam ko parang nangboboso ang lahat ng tumingala sa kisameng ito. Pero hindi mo na kailangang tumingala, dahil may nakahubad rin sa ilalim ng kisame.
Hanggang dito na lang po. Siguro sa susunod naman ay aking itatanghal ang mga butiking walang dingding.
**********
(*all photos taken during our recent trip to Vienna; first and last photo was at Kuntsthistorisches Museum, second photo was at Musikverein, and third photo was taken at Schoenbrunn Palace.)
Parang kailan lang, ang mundo ay nagulumihanan sa pagpasok ng taong 2000 o Y2K. Sabi nila magkakandaloko-loko ang lahat ng mga computer o sistema nito dahil hindi nito makikilala ang apat na digit ng taon, dahil hanggang dalawang digit lamang ang kaya nito. Marami pang haka-haka na babagsak ang lahat ng teknolohiya. Sabi pa nila magkakaroon ng pandemonium sa boong mundo. Akala pa ng iba ay katapusan na ng mundo sa pagpasok ng Y2K.
Pumasok at lumipas ang taong 2000, pero hindi naman tumigil ang mundo. Akalain mo bang 25 taon na pala ang lumipas mula noon?
Marahil ilan sa inyo ay wala pang muwang noong pahanong iyon, o kaya nama’y ang iba sa inyo ay hindi pa iniluluwal sa planetang ito. Para sa inyong nakakaalala noon, hindi ba parang ang bilis ng panahon ngayon?
Bakit nga ba parang mas maiksi na ang taon ngayon? Noong 5 taong gulang ka, parang ang tagal-tagal ng Pasko, dahil gusto mo nang mamasko sa iyong mga Ninong at Ninang ay halos hatakin mo ang kalendaryo sa paghihintay. Ngayong ikaw na ang Ninong o Ninang, ay pawang kumurap ka lang, Pasko na naman at kailangan mo na namang magtago sa iyong mga inaanak.
Pero sigurado akong hindi naman mas matulin ang ating relos ngayon kaysa noon. 60 minuto pa rin ang bawat oras, at 24 oras pa rin ang bawat araw, at 365 na araw pa rin ang bawat taon. Sigurado rin akong pareho pa rin ang bilis ng ating mundong ito sa kanyang paglibot sa araw, at parehas pa rin ang bilis ng paglibot ng buwan sa ating mundo. Sigurado akong parehas pa rin ang gravitational pull ng bawat planeta sa ating solar system at hindi mas malakas para tumakbong mas matulin ang panahon. Pero bakit nga ba sa paningin natin ay bumibilis ang panahon?
Ang lahat ng ito ay maipapaliwanag ng matematika.
Teka, teka….. di ba ang matematika ay constant? 1 + 1 = 2. Ito ay totoo noong panahon ni Mahoma at totoo pa rin hanggang ngayon, at hindi ito magbabago.
Pero narinig mo na ba ang law of relativity? Bago ka sumimangot dahil ayaw mo nang matematika, ay hindi ang theory ni Albert Einstein ang aking tatalakayin dito.
Noong 5 taong gulang ka pa lamang, ang isang taon ay 1/5th ng iyong boong buhay. Malaking piraso ito ng buhay mo. Konti pa rin ang iyong mga alaala noon.
Pero kung ikaw ay 25 na taon gulang na, ang isang taon ay 1/25th na lamang ng iyong buhay. Mas marami ka nang pinagdaanan, at mas marami ka nang karanasan. Marami ka na rin mga nabuong alaala sa buhay.
At kung ikaw ay 50 anyos na, ang isang taon ay 1/50th na lamang ng iyong buhay. Katiting na lamang ito sa iyong buong pagkatao. Napakaraming Pasko at Bagong Taon na ang iyong nalampasan, at baul baul nang alaala ang iyong pinaghuhugutan. Kayat bawat taon ay pawang paiksi nang paiksi sa iyong pananaw.
Kaya ang haba ng isang taon ay relative sa haba ng ating buhay: mas mahabang buhay, mas maiksi ang taon.
Ngunit may isa pang dahilan akong naiisip kung bakit sa paningin natin ay umiiksi ang panahon. Akin itong ipapaliwag dito.
Naranasan mo na bang maglakbay ng malayo? Kapag bagot na bagot ka sa biyahe, para bang ang haba-haba ng oras, di ba? Para kang bulate na hindi mapakali sa iyong upuan. Subalit kung naaaliw ka sa tanawin, o kaya’y abala ka sa mga sari-saring aktibidades habang ikaw ay naglalakbay, hindi mo napapansin ang paglipas ng mga oras at kilometro. Mamamalayan mo na lang, dumating ka na sa iyong patutunguhan.
Kaya sa bagong taong ito, ang nais ko sa inyong lahat ay maging matulin ang pagtakbo ng panahon para sa inyo. Ibig lang sabihin ay humaba pa ang inyong buhay. At kayo’y maaliw at maging masaya sa inyong biyahe ng buhay, at manatiling abala sa ating paglalakbay sa mundong ibabaw. Hanggang tayo ay makarating sa ating paroroonan.