
Ano kayang madugong kasaysayan meron ang mala-paraisong lugar na ito?
(*photo taken with an iPhone)
Ano kayang madugong kasaysayan meron ang mala-paraisong lugar na ito?
(*photo taken with an iPhone)
Ano sa iyo ang mas mahalaga?
(*photo taken with an iPhone)
Nasaan ang isda? Inulam na.
(*photo taken with an iPhone)
It is spring time in our area. Even though it was still cold and it was very windy, my wife and I took a stroll yesterday afternoon at a park in downtown Des Moines. The park is smack at the center of our city, akin to the Central Park of New York City.
As we were walking we have noticed several renovations and new features in the park making it more beautiful and engaging. We then came to a marker at the trail where we were treading and it featured an influential person whom the trail was named after. His vision and philanthropic contribution was the reason this recreational park exist today.
That prominent man was once a patient of mine. Here is my story.
I just moved to Iowa at that time and joined a practice of a large multi-specialty group of physicians. Perhaps only a few months into my stay here, when that famous person was referred for a pulmonary consultation to our practice. Maybe the senior partners in our group were hesitant to care for him, knowing who he was and caring for him could be distressing as you could be under the spotlight all the time given that he also owns one of the city’s newspaper company. So, he was assigned to me. Since I was new, young, and naive, and I don’t even knew the man, I happily obliged.
After a couple of clinic visits and a series of testing, I came to a certain diagnosis of his illness. It was a difficult diagnosis. Even though it is not cancer, this lung disease is a terminal condition with progressive deteriorating course and most patients succumb in about 2 to 3 years time. Even today, there is still no cure for this illness. You can just imagine how tough it was for me to give the bad news to my patient. Of course by that time I already learned of his VIP status.
Though I knew it was incurable I offered him that we try a medication for his disease, for nobody can really predict the outcome, plus we had nothing to lose anyway. For reason beyond my expectations, it worked!
Several weeks into our treatment in his follow-up clinic visit, my patient claimed that he was feeling great, less short of breath, and has more energy. He then told me that since he has a birthday coming, he plans to throw a big party, “a celebration of life,” as he called it. And he wants me to come to that party. He gave me the time and venue, but no other specific details of the party.
The time of the party came, and since I knew how VIP he was, I dressed nicely for the occasion, though not in tuxedo, for I don’t even own a tuxedo. The venue was a historic building in the city, for it was an old masonic temple that my patient saved from being demolished, and instead he bought it and refurbished it into a theater for performing arts.
As I came out of the elevators and stepped into the grand hall where the party was being held, I realized how opulent the event was. There was a live band playing. Waiters and waitresses in their immaculate suits serving the guests were roaming around the room. The dinner tables were set elegantly. I scanned the great hall and all the guests in there were probably all the bigwigs and local celebrities of the city. I suddenly felt out of place. As a humble transplant from Sampaloc, Manila, I sensed I don’t belong there.
The staff at the entrance asked for my name and I was led to a table at the front of the great hall. There was a reserved seat for me! The host, my patient, saw me coming in and looked my way, as I was being seated on the table.
Shortly thereafter, the band stopped playing. My patient went up the front stage and grab the microphone and gave a welcome speech. He relayed how sick he was in the past several months and how he thought he was a goner. But he said he was doing much better and experiencing a “rebirth,” and that was the reason for the celebration.
I was just starting to warm up to my seat as I listened to my patient continue on his speech when he specifically mentioned that he was thankful for the doctor who was taking care of him and who was partly responsible for his “rebirth.” I was caught off-guard and totally surprised. He then called my name and requested me to stand. There was a big applause as I stood up, and all eyes were upon me.
I melted.
After my patient’s speech, food was served which was definitely exquisite, but I hardly ate. I was still stunned at my new found fame. People around the table where I sat showed genuine interest in me and tried to strike a conversation with me. Perhaps they were still wondering how in the world, this unlikely Filipino migrant, burst into the scene.
I did not stay for long in the party. In fact I was there for a very short time. I cannot stand the limelight.
Sadly to say, also short-lived was my patient’s improvement. After a honeymoon phase response with the medication, the disease showed its ugly head again. A little more than a year later, he got admitted to the hospital and his wife specifically asked for me to visit him even though other doctors were already caring for him. They just wanted a familiar face to see him as he quietly slipped into the eternal night.
As this flood of memories came to me as I was looking at the marker on this trail, I looked around and saw these landmarks that this benevolent man had left. I smiled, for he also left a mark in me.
(*photo taken in downtown Des Moines)
I have been in America for some time now and one thing that I appreciate in this culture is how direct they are in telling you what they want or feel about something. Yes is yes, and no is no. Unlike in our Filipino culture, we beat around the bush or say something that we don’t really mean.
So here are a few answers that a Filipino would tell you and what they mean.
1. “Try ko.” This means I am not coming so don’t wait for me.
Example:
Mare #1: Uy, sama ka naman sa aming prayer group.
Mare #2: Sige, try ko.
2. “Huwag na.” Meaning: I really like what you are offering, but I’m playing hard to get (pakipot).
Example:
Pare #1: Sige ililibre kita kasi birthday mo ngayon.
Pare #2: Kakahiya naman, huwag na.
3. “Ako na.” This means I appreciate that you’re doing that and please continue and finish the job.
Example:
Mare #1: (Washing the dishes even if she’s just a visitor.)
Mare #2: Naku mare, ako na.
4. “Mamaya na.” Meaning: I don’t want to do it, and you should be the one doing it.
Example:
Nanay: Anak, pakiwalis naman ‘yung harap nating kalsada, masyadong makalat na.
Anak: Mamaya na.
5. “Hindi naman masyado.” This means that what you’re saying is very true and your feeding my ego, but I am playing pa-humble effect.
Example:
Mare #1: Uy, mare ang ganda-ganda mo at ang sexy-sexy mo na ngayon.
Mare #2: Ikaw naman, hindi naman masyado.
6. “Busog pa ako.” Meaning: I am really starving and I like what you are eating, but I am too proud to beg.
So if you’re really a good friend you should insist until they say, “sige, konti lang.”
Example:
Pare #1: (while eating chicken adobo with isang kalderong kanin) Kain tayo.
Pare #2: Busog pa ako.
7. “Konti lang.” What they really mean is a lot, or much more than you can imagine.
Example:
Pare #1: Dahan-dahan lang, ang lakas mo yatang lumaklak ng alak.
Pare #2: Hindi naman, konti lang.
8, “Sakto lang.” Meaning: We are struggling and we can barely make both ends meet, but we would not say we are poor.
Example:
Pare #1: Napapagkasya mo ba ang sweldo mo sa iyong pamilya?
Pare #2: Sakto lang.
9. “Pag-iisipan ko.” This may sound hopeful but what it really means is that they don’t want what you are asking them to do, but they’re too timid to say no and they’re just trying to stall their answer.
Then if you ask them later, their answer will be some other lame excuse which suggests they really mean no, like “busy ako,” or “walang mag-aalaga sa nanay ko,” or “namatay yung kuko ko.”
Example:
Boss: Pwede ka bang mag-overtime sa trabaho nitong darating na Lunes?
Employee: Pag-iisipan ko.
10. “Ayoko.” This may be the only time that they really mean what they say, and that they have muster enough courage to say no to your face.
Example:
Mare #1: Mars, pautang naman, babayaran kita sa katapusan.
Mare #2: Ayoko. (Ang kapal naman nang mukha mo, hindi ka naman marunong mag-bayad. Katapusan ng buwan o katapusan ng mundo? *unsaid words in parenthesis*)
***********
There you have it folks. I hope this will help you understand better your Filipino friend.
(*photo taken few months ago)
(Dahil sa Buwan ng Wika, akin lamang nais balikan ang isang artikulo na aking isinulat sa wikang Pilipino. Ang orihinal na artikulo ay aking linathala mahigit 10 taon na ang nakalipas.)
**********
Labing walong taon (*Dalampu’t walong taon na ngayon*). Ngunit parang kahapon lamang.
Parang noong isang araw lang ay gumigising ako sa ingay ng arangkada ng mga traysikel at ng tilaok ng tandang na pangsabong ni Mang Karding*. Tila ba kailan lamang ay laman ako ng masikip naming kalsada doon sa Sampaloc. Parang kahapon lang ay linalanghap ko pa ang simoy ng hangin ng Maynila at usok ng mga jeepney. Parang kumurap lang ang aking mga mata, ngunit labing walong taon na pala ang lumipas nang aking lisanin ang ating inang bayan.
Isa ako sa mga libo-libong Pilipino na lumabas ng bansa. Ako ay namulat sa mundo na kung saan ang nangingibabaw na pangarap ng marami sa ating mamamayan ay ang makaalis ng Pilipinas. Hindi man direktong itinuturo sa aming mga bata, ngunit madalas naming marinig sa mga nakatatanda, “mag-aral ka nang mabuti hijo, at pag-laki mo’y maari kang mangibang bayan, at magiging maganda ang iyong kinabukasan.”
Kahit nang ako’y batang paslit pa lamang ay naririnig ko na ang mga kwento ng aming mga kapit-bahay na nakipagsapalaran sa ibang bansa. Gaya ni Mang Juan, na nakatira tatlong bahay mula sa amin. Siya ay tumulak papuntang Saudi, at doo’y kumita ng “limpak-limpak” na salapi. Limpak-limpak na pera – ganito ang dating sa musmos naming kaisipan. Iyon ang ipinundar niya upang makapagtayo ng maliit na tindahan sa harap ng kanilang bahay, kung saan ako inuutusang bumili ng mantika.
O si Junior na anak na panganay ni Ka Linda sa tapat ng aming bahay. Siya ay naging isang seaman, at nakapaglayag sa iba’t-ibang ibayo ng mundo. Alam ko kapag nagbabalik-bayan si Junior. Lagi itong nag-papainom sa kanyang mga kaibigan, kaya may maiiingay na namang nag-iinuman sa tapat ng aming bahay. Kahit ang nakababatang kapatid niya na dating tambay lang lagi sa kanto ay naging seaman din. Dahil dito ay napaayos nila Ka Linda ang kanilang bahay-paupahan.
At si Nena na nakatira doon sa may apartment malapit sa kanto. Ang balingkinitan at magandang si Nena. Siya ay lumipad patungong Japan.
Kahit sa aking mga kamag-anakan ay ganito rin ang istorya. Nandiyan si Tata Emo, na ipinagbili ang ilang hektarya ng kanilang bukid sa Bulacan upang siya ay makaalis papuntang Saudi. Ngunit hindi natagalan ni Tata Emo ang lungkot ng Saudi. Siya ay umuwi at nag-saka na lang muli. Naging masaya naman ang kanyang kalabaw na muli siyang makasama.
Isa pa ay si Tito Rey na lumabas ng bansa patungo ring Middle East. Mga ilang taon din siyang namalagi doon, tiniis ang init, pangungulila at lungkot. Maraming birthday din ng kanyang mga anak ang hindi niya nasaksihan. Nguni’t kapalit naman noo’y ay napatapos niya sa pag-aaral ang kanilang mga anak at nakapagpatayo pa sila ng sariling bahay doon sa Marikina.
Nariyan din ang dalawa kong tiyahin na nurse na nakarating dito sa Amerika. Masasabi ko na malaki ang utang na loob ko sa kanila sa pagtulong nila sa akin na maabot ang pangarap kong makatapak dito sa banyagang lupain na ito. Hanggang sa ngayon ang mga tiyahin kong ito ay patuloy pa rin sa pagtulong sa aming mga kamag-anakan doon sa Pilipinas. Nawa’y patuloy silang pagpalain.
Hindi lahat ng mga nangibang-bayan ay may masayang kasaysayan. Balikan natin si Mang Juan. Oo nga’t naging mas maginhawa ang kanilang buhay. Ngunit isa sa mga anak niya, dahil na rin siguro sa lumaki itong laging wala ang ama, kaya napabayaan at nalulon sa droga. Madalas ko itong nasasalubong sa aming kalye na pula ang mata at sumusuray na naglalakad, habang lumutang sa paglipad. Kung alam lang ni Mang Juan ang mangyayari sa kanyang anak, pipiliin pa rin kaya niya ang umalis ng bansa?
At si Nena. Ang magandang si Nena. Ano nga kaya talaga ang nangyari sa kanya?
Ngunit hindi namin inalintana ang mga malulungkot na kwento, sapagkat kailangan para sa kinabukasan ng pamilya. Kaya naman hindi kataka-taka na ang aming henerasyon ay sumunod sa mga yapak ng mga nauna sa amin, at nakipagsapalaran din na lumabas ng ating bansa. May mga pinsan akong nasa Saudi, Singapore, Macau at Canada ngayon. May mga naging kabarkada akong napadpad rin sa Australia, China, Middle East, at ilan dito sa Amerika. Para kaming mga alikabok sa lupa na hinipan ng malakas na hangin at ikinalat sa iba’t ibang lupalop ng mundo.
Kung aking iisiping mabuti, iilan lang talaga sa aking mga kaibigan at lalo na sa aking mga kamag-aral, ang nanatili sa ating bansa. Karamiha’y lumisan para sa ibayong dalampasigan. Isang malungkot na katotohanan ng ating bayan. At gaya nga ng kanta ni Gloc-9: talagang “Walang Natira.”
Labing walong taon na akong naninirahan sa bayan ni Uncle Sam. Marami nang nagbago. Nawala na ang pilipit ng aking dila at natuto na akong mag-ingles na parang Amerikano at hindi na ako “Carabao English” ngayon. Nag-iba na rin ang ilan sa aking nakagawian. Hindi na ako sumusutsot kapag kailangang tumawag ng pansin, pero lilingon pa rin siguro ako, kapag may sumigaw ng “Hoy!” Pati panlasa ko’y nagbago na rin. Gusto ko na ng maasim-asim na spaghetti sauce ngayon, gaya ng tunay na Italian, at hindi manamis-namis gaya ng sa Pinoy. Pero masarap pa rin sa akin ang tuyo at itlog na maalat.
Ngunit mayroon pa ring hindi nagbabago. Pango pa rin ang aking ilong, at wala akong balak magpatangos nito. Hindi pa rin pumusyaw ang kayumanggi kong kulay kahit hindi na ako masyadong nagbibilad sa init ng araw. Matatas pa rin akong mag-Tagalog. Nanalaytay pa rin sa aking mga ugat ang maharlikang dugo ng aking mga ninuno. Tutoo, linisan ko ang aking bayan, ngunit hindi nangangahulugang nagbago ang aking pagmamahal sa ating bansa. Walang araw na dumaan na hindi dumampi sa aking isipan ang lupa kong sinilangan.
May isa pang hindi nag-bago. Nangangarap pa rin ang bagong henerasyon ng mga Pilipino na makaalis ng bansa. Ang tanong ay hindi bakit, kundi hanggang kailan?
(*names have been changed)
Noong nakaraang linggo ay dumating ang aming panganay na anak mula sa kanyang maiksing bakasyon sa Pilipinas. Siya lang mag-isa ang umuwi at tumira siya sa aming mga kamag-anak doon sa Metro Manila. Kahit dalawang linggo lang ang kanyang inilagi doon ay masaya naman siya at kahit papaano’y nakapamasyal sa Pilipinas, kahit pa panay-panay ang ulan at bumaha pa nga noong siya ay naroon. Masaya rin ang aming kamag-anakan doon at nakita nilang muli at nakasama ang aming anak.
Maraming dalang pasalubong ang aming anak nang siya’y bumalik. Siksik, liglig at halos sumabog na ang kanyang dalawang maleta. Ito raw ay mga padala ng aming mga kamag-anak. May tuyo, danggit, dulong, yema, cornik, pulburon, tableyang tsokolate, at iba’t iba pang chichirya. Pero ang pinakagusto kong pasalubong ay ang hopia. Padala ito ng aking kapatid.
Hindi ko ikakaila na isa sa paborito kong meryenda noong ako’y bata pa ay ang hopia (see previous post). Simple lang naman ang aking panlasa. Hopiang munggo o hopiang Hapon ay masaya na ako. Pero nang makita ko ang ipinadala ng aking kapatid, iba’t ibang flavor pa ang mga hopiang ipinasalubong niya sa akin, gaya ng red munggo, ube, at kundol. May Hopia Combi pa pala ngayon – kombinasyon ng mga flavors, tulad ng ube at keso, ube at makapuno, at ube at langka. Wala pang ganitong hopia na tinitinda si Aling Luring sa kanilang sari-sari store noong kami’y musmos pa.
Ang hopia raw ay mula sa mga Chinese. Ito ay ipinakilala sa ating mga Pilipino ng Fukienese immigrants nang sila ay sumalta sa Pilipinas noong early 1900’s. Ang ibig sabihin pala ng “hopia” ay “good pastry” sa wikang Hokkien, isang dialect sa Fujian province at Taiwan. Ang hopia ay parang bargain o mas murang bersyon ng mooncake na bahagi ng kanilang tradisyon tuwing Mid-Autumn Festival o tinatawag din na Mooncake Festival*.
Eh ang hopiang Hapon? Japanese ba ito na nagpapanggap na Chinese? Sa hopiang Hapon, ang sahog na ginagamit dito ay red Adzuki bean na katutubo mula sa Japan. Pero sa lahat daw ng klase ng hopia, ang hopiang Hapon ang pinakamalapit na katulad ng moon cake, kaya’t Chinese-inspired pa rin ito.
Sa paglipas ng panahon, ay dahan-dahan nang inangkop ang hopia sa pansala ng mga Pinoy. Kaya’t nagkaroon na ng flavor na ube, langka, buko-pandan, pinya, mangga at iba pa.
Ngayon, hindi lang tuwing Mooncake Festival papular ang hopia. Dahil kahit anong araw, may okasyon man o wala, bilog man ang buwan o hindi, may dugong Chinese ka man o wala, ay masarap miryendahin ang hopia.
Hindi ko rin ikakahiya na binitbit ko ang aking baong hopia sa aming opisina (above photo). Pamatid gutom rin ito lalo na’t kapag busy kami sa aming clinic at walang matinong oras para kumain. Kung may Sarsi nga lang din dito, kumpleto na. Hindi ko lang alam kung bakit Eng Bee Tin** (established in Ongpin since 1912) ang pangalan ng kumpanya na gumagawa ng hopiang ito. Sinadya kaya ang pangalang ito, dahil pagnaubos mo na ang masarap na hopia, ay mapapasambit ka ng “ang bitin!”
**********
(* Mooncake Festival is on September 10 this year.)
(** Eng Bee Tin actually means “forever, excellent, treasure” in the Fukien dialect.)
On my last post, I mentioned that I would advice my young self to take it slow. However, below is a picture that shows that I am still ‘rushing’ after all these years.
(*photo of my signature jump taken by my wife)
When I looked outside our bedroom window this morning this was what greeted me. Snow!
The snowing season has begun, I guess. Though I cannot really complain, as there were years before that we had our first snow as early as October or before Halloween. At least this time it is already mid November.
The snow adds to the holiday vibes to our front porch. Christmas is only about a month away after all.
At least the snow was light and I did not need to shovel our driveway, nor did it caused much chaos in my morning commute to the office.
Photo below is my view from my clinic window.
There’s always some excitement when snow comes. After more than 20 years of living with snow, I still find some awe and beauty for the first snow of the season. Until the winter drags on and on and on, and we start to curse the snow and wish it is already spring.
**********
Here’s a short clip my wife took of our first snow of this season. (Music is “And Winter Came” by Enya)
I read from Filipino Channel news that the very popular song “Pasko Na Sinta Ko,” a song that pull many heart strings for Filipinos, especially during Christmas, was based on a real life love story. The song lyrics was penned by a UP Professor, Aurelio Estanislao, when he noticed one of his voice students was glum and sad.
The story is about this student, Alfredo Gutierrez and his girlfriend, Melba Solidum, both students of UP College of Music and both were members of UP Concert Chrorus (UPCC). It was their first love and they were very happy together. But fate had other plans.
Melba had to leave to study abroad and Alfredo was left heartbroken.
“I had no choice. I had no means to go follow her there. I would have done so if I had the resources [because] I was pretty much in love with her right. First love. But I had to be left behind,” Alfredo shared.
Another musician, Francisco Dandan, put melody into the lyrics and the song “Pasko Na Sinta Ko,” was born. It had become the theme song of many heartbroken people during Christmas ever since. It also struck a so familiar chord to many OFW and their families, who are missing their loved ones this holiday season.
‘Pasko Na Sinta Ko’ debuted on stage at the Cultural Center of the Philippines in 1977. It was first performed by the UP Concert Chorus under conductor Prof. Rey T. Paguio, who asked Alfredo Gutierrez to sing the first stanza of the song.
*************
The video below was a recording I unearthed from the internet, an impromptu performance by the UP Concert Chorus with Alfredo Gutierrez, the original inspiration of the song.
(*video is not mine)
Sangayon sa aming weather forecast dito sa Iowa ay may ulan daw sa halip na snow, sa aming pagsalubong ng Bagong Taon. Kaya nais ko lang sariwain ang aking isinulat tatlong taon na ang nakalipas. (Original post “Tampisaw” was published Sept 12, 2019.)
**********
Noong isang umaga, ako’y nagising sa dagundong ng kulog at kalaskas ng bumubuhos na ulan. Balak ko sanang tumakbo noong umagang iyon pero dahil sa malakas na ulan, ako’y nagbatu-batugan at nagbabad na lang sa higaan. Utak ko nama’y nagtampisaw sa mga alaala ng nakaraang mga tag-ulan – mga alaala na matagal nang nakasampay ngunit parang basa at sariwa pa rin sa isipan.
Nagliwaliw ang aking isip noong ako’y maliit na bata pa. Gaya ng maraming bata batuta, ako’y mahilig maglaro sa ulan lalo na kapag maalinsangan. Kahit pa sabihing baka raw sipunin, o magkapulmonya, o kaya’y mapasma, ay hindi namin alintana, dahil sa musmos naming isip, masarap maligo sa ulan. Kung hindi pipigilan ay lagi kaming susugod sa ulan.
Nagbabakasyon kami palabas ng Maynila tuwing buwan ng Mayo noon. Mga dalawang linggo rin kaming lumalagi sa Ilokos Norte, ang probinsiyang pinagmulan ng aking nanay.
Isang araw habang kami ay nagbabakasyon, ay umulan nang todo-todo. Kami, kasama ko ang aking mga pinsan, ay pinayagang maligo sa ulan. Masaya kaming naghabulan sa kalsadang graba, habang umaagos ang malalaking kanal na ang tubig ay malinaw, hindi gaya ng tubig kanal ng Maynila. Dahil mala-batis ang linis ng tubig sa kanal, sinasalok pa namin ito ng tabo, tapos itataob namin ang tabo na may lamang tubig sa aming ulo, habang kami’y sumasayaw at tumatalon-talon sa ulan. Akala ninyo palaka lang ang masaya kapag umuulan?
Pinupulot din namin ang mga nalalaglag na kamachile dahil sa lakas ng hangin. Hindi na namin kailangan pa itong sungkitin. Sana nga ang mga mangga sa puno ng aking lola ay magkandahulog din, pero kailangan yata ng ipo-ipo bago ito malaglag.
Sa bahay naman namin sa Maynila, konting ulan lang ay baha na kaagad ang mga kalye, kaya sanay akong lumusong sa baha. Hindi namin iniisip ang Leptospirosis, dahil hindi ko pa naman alam kung ano iyon at hindi ko pa rin alam ang spelling nito. Noong nasa medical school na ako kesa ko pa lang natutunan ito, at sa katunayan, may naging pasyente kaming namatay dahil sa Leptospirosis. Sangayon sa history niya, siya ay bumagtas sa baha.
Nang ako’y nasa kolehiyo na, masaya pa rin ako kapag malakas na ang ulan. Hindi sa ako’y sadista at gusto ko ng bagyo, pero dahil kalimitan ay nakakansela ang pasok sa UST kapag baha na, lalo na sa Espanya. Umaabot hanggang hita o hanggang bewang pa ang baha doon.
Minsan nang ako’y nasa medical school na, bumuhos ang malakas na ulan maghapon at hindi humumpay kaya bumaha ang buong ka-Maynilaan. Wala kaming masakyan pauwi, dahil mga pailan-ilang bus na lamang ang malakas ang loob na bumaybay sa malalim na baha. Walang rin namang pumapasadang bangka. Kaya lumusong na lang ako sa baha at naglakad mula sa UST hanggang sa amin sa may Balik-Balik. Sa awa ng Diyos nakarating naman ako nang ligtas sa aming bahay, at hindi napatianod o nalunod sa baha, at hindi rin nahulog sa mga nakabukas na imburnal. Wala naman din akong nahuling dalag.
Nang matapos ako sa Medisina, ako’y pansamantalang namasukan (moonlighting) sa isang maliit na ospital sa Plaridel Bulakan, upang makaipon nang konti habang ako’y nag re-review para sa medical licensing exam ng Amerika. Kung maipapasa ko iyon, magiging pasaporte ko siya upang makalabas ng bansa. Sa Plaridel na ako lumalagi ng mga ilang araw, at linguhan na lang akong lumuwas ng Maynila. Trabaho ako sa gabi, at konting tulog at puspusang review sa araw.
Isang okasyon, dinalaw ako ng aking nobya na galing Maynila sa aking trabaho doon sa Bulakan. Matindi ang ulan noong araw na iyon. Kahit na may dala pa siyang payong, ay basang basa siya nang dumating sa aming ospital sa Plaridel. Para siyang basang sisiw. Ako naman ay parang palakang kumakanta.
Habang siya ay nagpapatuyo, at habang kami ay nakaupo at nakadungaw sa bumubuhos na ulan, ay masaya naman kaming magkaulayaw kahit na maiksing sandali lamang ang sa ami’y inilaan. At para bagang awit ni Basil Valdez (may version din si Regine Velasquez), alam namin na kapag tumila na ang ulan ay lilisan na siya upang bumalik sa Maynila, at ako’y maiiwan na.
Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila,
Ikaw ri’y magpapaalam na,
Maaari bang minsan pa,
Mahagkan ka’t maiduyan pa,
Sa tubig at ulan lamang ang saksi,
Minsan pa ulan bumuhos ka
Huwag nang tumigil pa,
Hatid mo ma’y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo,
Pag-ibig ko’y umaapaw,
Damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa,
Tuwing umuulan at kapiling ka.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan at tumatabing pa rin ang maiitim na ulap sa bagong silang na umaga. Pero kailangan ko nang bumangon at kailangan nang pumasok sa trabaho. Hanggang sa muli na lang ulit ang aking pagtatampisaw sa mga alaala ng kahapon.
Aking pinagmasdan ang aking katabi. Mahimbing pa rin ang kanyang pagkakatulog. Pero alam kong kahit tumila pa ang ulan, kami ay magkapiling na at hindi na namin kailangang magpaalam pa.
Magdadalampu’t limang taon (*28 now*) na palang bumubuhos ang ulan.
**********
Happy 28th anniversary my dear! (Kahit na sino-solo ko ‘yung payong.)
(*photo taken earlier this year in Central Park, New York City)
Hindi mapagkakaila na maraming Pilipino sa Hawaii. Ang kanilang lahi ay maaring nag-ugat mula sa mga Sakada (migrant farm workers) na kinuha mula Ilocos at Visayas region noong 19th century para magtrabaho sa mga taniman ng tubo at pinya. Mahigit 100,000 na lalaking Pilipino ang na-recruit papuntang Hawaii, mula taong 1906 hanggang 1946.
Sa katunayan muntik na nga akong maging Hawaiiano, dahil ang aking lolo ay naging isang Sakada. Pero na home-sick siya kaya’t umuwi muli siya sa Pilipinas (read full story here).
Noong nakaraang buwan, kami ay namasyal sa Big Island ng Hawaii. (Ang unang bisita namin sa Hawaii ay sa island ng Oahu, noong 2011.) Aming napansin na marami talaga tayong kababayan doon, at kahit saan ka tumingin ay makikita mo ang mga bakas ng Pilipino sa isla na ito.
Isa sa aming pinuntahan ay ang Farmer’s Market. Para kaming nasa palengke ng Pilipinas, dahil ang mga nilalako nila ay mga prutas na aking kinagisnan. Mayroon silang papaya, bayabas, rambutan, longgan, makopa, guyabano, mangga, saging, pinya at balimbing (photo below).
Ewan ko kung bakit ang hinahanap ng aking misis ay kaymito (naglilihi kaya siya?), pero wala silang kaymito. Sabi ng isang tindera, wala raw kasi yung tindera na naglalako ng kaymito noong araw na iyon.
Napansin din namin na karamihan sa mga tindera sa palengkeng iyon ay mga Pilipino. Paano naman namin nasigurado na sila’y Pilipino? Baka naman mga Hawaiian lokal sila at mukha lang silang Pilipino? Hindi, sigurado kaming Pinoy sila dahil nagsasalita sila ng Ilokano.
May mga dry goods ding tinda doon sa Farmer’s Market. Natuwa kami nang makita namin ang mga artikulong binibenta nila. May mga bayong, banig, capiz, pulseras na gawa sa shells, at mga inukit na kahoy na mukhang gawa sa Baguio. Tulad ng barrel man (photo below). Kahit pa may tatak itong Hawaii, ay hindi maikakailang Pinoy-inspired ito.
Sa amin namang pagda-drive mula Kailua-Kona (western coast) hanggang Hilo (eastern coast) at pabalik, ay dumaan kami sa mga lugar na mahirap basahin tulad ng Pu’uwa’awa’a, Kamehameha, Laupahoehoe, at Pepeekeo. Ang mga pangalan ng mga volcano ay Mauna Kea, Kilauea at Mauna Loa. May mga National Historical Park din na pangalan ay Kaloko-Honokohau at Pu’uhonua O Honaunau. May kahulugan daw ang mga pangalang ito sa kanilang lenguahe.
Kung Pinoy ang magbibigay pangalan sa mga lugar doon siguro ito ang mga pangalan: Nalokona, Ayokona, Kaawa’awa’pu, Pepeko, Mauna Kana, at Hilo Nako.
Sa isang magandang resort doon ay may isang pond na inukit mula sa lava rock at ginawa nilang isang malaking aquarium (photo below). Ang 1.8 million gallon na aquarium na ito ay nasa tabi ng dagat.
Naglagay sila ng mahigit 1000 na isdang tropikal sa pond na ito. Meron silang mga Nemo (clown fish) at mga Dory (blue tang). Meron ding pufferfish, at meron pa nga silang Mr. Ray (eagle ray). Pwedeng manood at makisali kapag pinapakain na nila ang mga isda. Pwede pang lumangoy at mag-snorkling sa pond na ito.
Heto ang maikling video ng pond:
Teka, may napansin ka bang parang maliit na pating na dumaan dito sa video?
Pero nang aming suriing mabuti, hindi ito maliit na pating o anak ng pating. Kilalang-kilala nating mga Pilipino ang isdang ito.
Ito ay walang iba kundi ang ating National Fish – ang Bangus! (photo below)
Mga Pilipino nga kaya ang mga tagapangasiwa ng pond na ito?
Subalit hanggang pagmamasid lamang at hindi pwedeng huliin at ihawin ang bangus doon sa pond. Hanggang sa muli, mabuhay ang Pinoy!
*********
(*photos and video taken with an iPhone, except for the picture of barrel-man which is grabbed from the internet)
Isang makulimlim na umaga, habang ako’y bumibyahe patungong malayong probinsiya, nang aking makita ang isang kakaibang liwanag.
Isang UFO lumalapag mula sa langit!
Anak ng tokwa, ako’y namalik-mata lang pala. Tore pala ng tubig ang inakala kong UFO.
(*photo taken with an iPhone)
Mayroon akong pinsan na galing sa Pilipinas na dumalaw sa amin dito sa Iowa. Tulad ko ay mahilig din siyang tumakbo. Tumakbo bilang ehersisyo ang ibig kong sabihin at hindi tumakbo sa mga responsibilidad. Ngunit napansin ng aking pinsan na maraming mga aso sa aming lugar, at takot siyang habulin siya ng mga ito.
Sabi ko sa kanya na kahit walang mga bakod ang mga bahay dito, mayroon silang “invisible fence” o electric fence para sa mga alagang aso nila, kaya hindi lalagpas sa boundary ng kanilang yard ang mga aso, at malabong habulin siya at hanggang kahol lang ang mga ito. Wala din namang mga askal (asong kalye o stray dog) at lalong walang asong ulol dito sa amin.
Tinanong din niya ako kung nanghahabol ba ang mga deer. Sabi ko mailap ang mga ito at mabilis pa sa alas kuwatro na tatakbong papalayo sila kapag nilapitan niya. Sigurado akong hindi siya susugurin ng mga ito.
Dagdag ko pa, mas mag-ingat siya sa mga geese o gansa, dahil mas territorial at nanghahabol ang mga ito, lalo na ngayon na panahon ng kanilang nesting. Kaya protective ito sa kanilang mga pugad, at nang-hahabol kapag napalapit ka sa kanila.
Sa katunayan, noong makalawang araw ay may nakita akong mag-asawang geese na malapit sa daan nang ako’y tumakbo sa umaga. Masama ang tingin ng mga gansa sa akin nang ako’y palapit na. Handa na silang manugod.
Napansin ko na may mga ‘goslings’ o baby geese silang prinoprotektuhan. Kaya dahan-dahan akong umiwas sa territoryo nila.
Kaya noong isang araw, tanong ng aking pinsan sa akin: “Kuya, ano ang tawag sa mga geese na nanghahabol?”
Siguro ay hinabol siya ng geese nang siya ay tumakbo.
Napaisip ako at sabi ko: “Gansang galit sa mundo.”
“Pwede, pero may mas maganda pang tawag,” tugon ng aking pinsan.
Mas ginalingan ko pa ang pag-iisip. Geese na nanghahabol? Alam ko na! “Nangtutu-geese,” ang masaya kong sagot.
“Pwede, pwede” ang nakangiting sabi ng aking pinsan, “pero may mas sakto pang tawag,” ika niya.
“Sirit na ‘ko.”
Ang kanyang sagot? “Putra-geese!”
**********
(*photos taken with an iPhone)
Added joke: Ano ang tawag sa mga goslings na hindi pa naliligo? Batang goose-gusin.
(*The following post has nothing to do with the controversial movie about extrajudicial killings.)
“Tao po! Tao po!”
Iyan ang ating ipinapahayag kapag tayo ay kumakatok sa kaninomang bahay, maliban na lang kung ito ay ating bahay, dahil may susi na tayo ng pinto at hindi na natin kailangang magpaalam pa.
Matagal-tagal ko nang hindi nasasambit ang mga katagang ito, dahil dito na ako naninirahan sa Amerika ngayon. Dito kapag kakatok ako sa pinto ng ibang bahay, ang aking isisigaw ay “Knock-knock” o “Hello! Anybody home?”
Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit “Tao po,” ang ating sinasabi kapag tayo ay kumakatok sa pinto? Ito ba ay para ipahiwatig sa may-ari ng bahay na tayo ay tao na dapat nilang pagbuksan? O atin ding hinahangad na tao rin ang sasalubong sa atin sa pinto? Alangan namang isigaw natin “Hayop po!” At lalo namang hindi natin ipapahayag na “Halimaw po” o kaya’y “Aswang po!”
Pero sa aking pagsasaliksik at sangayon sa mga historian, aking napag-alaman na ang orihinal na kataga na sinasambit noon ng ating mga ninuno kapag kumakatok sa ibang bahay ay “Tao po ako, hindi aswang!” Ito ay dahil sa mga paniwala nating mga Pilipino sa mga maiitim na espiritu na naglipana sa ating mundo na gusto ring pumasok sa ating bahay. Paniwala pa ng ating mga ninuno na ang mga aswang ay hindi kayang magpakilala na sila ay tao.
Ganoon ba? Pero bakit merong mga nilalang na akala natin ay tao, ngunit nang-aaswang ng may girlfriend o boyfriend, o mas malala pa, asawa ng iba? Ah, eh, ibang klaseng aswang pala ang mga ‘yon. Walang epekto ang bawang sa kanila, dapat granada. Huh?
Mabalik tayo sa usapan natin tungkol sa “Tao po.” Bago pa dumating ang mga Kastila at bago pa tayo sakupin nila, ay mapamahiin na tayo at palasak na ang paniniwala nating mga Pilipino sa mga iba’t ibang uri ng nilalang tulad ng kapre, nuno sa punso, manananggal, at marami pang iba.
Isa sa mga nagtala ng ating mga paniniwala ay isang Kastilang pari na si Fray Tomas Ortiz na dumating sa Maynila noong 1695. Ang kanyang akda ay may pamagat na “Superstitions and Beliefs of the Filipinos.” Kaniyang iminungkahi sa mga misyonerong prayle na baguhin ang mga “masamang ugali” nating Pilipino. Paano kaya siya kumatok sa mga bahay noon? “Pari po ako, hindi aswang?” At pinagbuksan naman kaya siya?
Ang “Tao po ako, hindi aswang,” sa paglipas ng mahabang panahon ay pinaikli na lang sa “Tao po!”
Nakakatuwa (o nakakalungkot) lamang isipin na matapos ang mahigit na apat na siglo, at matapos tayong makalaya sa colonisasyon ng Kastila, Hapon, at Amerikano, ay wala pa ring pagbabago sa ating mga pamahiin at paniniwala.
“Tao po,” pa rin ang ating pahiwatig sa ating pagkatok sa may bahay hanggang ngayon. O kaya nama’y dahil nakagawian na natin ito, at praktikal na lang tayo ngayon at ang ibig sabihin natin sa pagtawag ng “Tao po” ay kung may tao bang nakakarinig sa ating pagkatok. Siguro naman sa ating pagsigaw ng “Tao Po” ay wala na sa ating isipan ang mga aswang na nagpapanggap na tao na gusto ring makapasok sa ating mga tahanan. Kaya?
Siguro iba na ang ayaw nating makapasok sa ating bahay ngayon. Dapat kayang palitan na ang ating pagtawag? Pwedeng “Mabuting tao po, hindi po akyat bahay!” O kaya nama’y “Tao po, hindi po maniningil ng utang!”
Hanggang sa muli na lang po ulit. At sa aking paglisan at pagtahak sa aking dadaanan, “Tabi-tabi po!”
***********
(*image from the web)
(*photo taken in Antelope Canyon, AZ)
************
Bonus photos:
(*photo taken at Bryce Canyon, UT)
**********
Bonus photos:
Noong isang araw habang kami ay naglalakbay ng aking misis lulan ng aming kotse, ay nakikinig kami ng mga kinamulatang kanta na tinaguriang “Manila Sounds” mula sa aking Spotify. Sumalang ang “Awit ng Barkada” ng APO:
Nakasimangot ka na lang palagi,
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari,
Ng lahat ng sama ng loob,
Bumaling ang aking misis, at tanong niya sa akin: paano mo isasalin sa Ingles ang linya ng kantang ito?
Ako ay napaisip. Paano nga ba?
You are always frowning,
As if you’re the owner,
Of all the bad of inside.
Bad of inside? Parang nasikmura o nagda-diarrhea yata ang dating. Dapat siguro ‘grievances’ ang mas angkop na translation ng ‘sama ng loob.’
May kaibigan din akong nag-post sa kanyang social media na kanyang tinanong daw kung ano ang passion fruit sa Tagalog. Ang nakuha niyang sagot? “Bunga ng libog.”
Ang pagsasalin sa Pilipino to English, o English to Pilipino ay hindi dapat word for word, kundi by context.
Totoo po mga kababayan na may mga salita tayo sa ating wika na walang katumbas sa English. O kaya nama’y kapag isinalin mo sa English ng literal, o word for word, ay naiiba ang kahulugan. Magbibigay po ako ng ilang mga halimbawa.
Ang salitang “sundo” (English: fetch) sa ating mga Pilipino ay ginagamit natin sa maraming kaparaanan. Tulad ng:
“Nan-diyan na ang aking sundo.” Sa English: “Here’s my fetch.” Parang mali ‘di ba?
“Paki-sundo na si Pedro.” Sa English: “Go fetch Peter.” Teka, parang utos sa aso ang tunog, ‘di po ba? Go fetch, boy!
Heto pa ang isa, ang salitang “istambay.” Sa ating mga Pilipino, ang ibig sabihin nito ay yung mga taong walang ginagawa kundi tumayo at magwaldas ng oras sa kalsada. Sa katunayan ang “istambay” ay mula sa English word na “stand-by.” Pero sa English, pagsinabing ‘please stand by,’ ibig sabihin ay mag-hintay muna.
Pero kapag sinabi nating istambay, ano ba ang kanilang hinihintay? Pasko? O pumuti ang uwak? O malaglag ang langit? Ang alam ko lang na hinihintay ng mga istambay doon sa aming kanto ay inuman!
Nabanggit natin ang inuman, ano po ba sa English ang ‘pulutan?’ Snack? Appetizer? Hors d’oeuvre?
Sang-ayon sa Google translate ang ‘pulutan’ daw ay ‘pick-up.’ Mali yata. ‘Pulutin’ yata ang intindi ng Google translate. Pero may dahilan din, dahil ang ‘pulutan’ ay mula sa salitang ‘pulot,’ kaya ‘pick up food’ kung baga ‘finger foods.’ Pero sa atin ang ‘pulutan’ ay pagkain na nauugnay lamang kapag nag-iinuman. Sa aking pagkakaalam walang katumbas ang salitang ito sa English.
Heto pa ang isang salitang walang katumbas sa English: “batukan.” Ibig sabihin ay hampasin sa ulo. Pero bakit hindi sa batok (nape or neck) hinahapas, kundi sa ulo (head, or if you want more anatomically accurate – occiput)? Hindi ba dapat ‘uuluhin kita,’ kesa ‘babatukan’ dahil sa ulo naman talaga hinahataw?
Buti pa kapag sinabing ‘didibdiban kita’ o kaya’y ‘sisikmurahan kita,’ sa totoong anatomic area talaga hinahambalos.
May mga kataga tayong isang salita lang sa atin pero walang isang salitang katumbas sa English. Tulad ng ‘hilamos.’ Hindi pwedeng isang salita lang na ‘wash.’ Ang ‘hilamos’ ay specific sa parte ng katawan, kaya sa English ay ‘washing of the face.’ Kapag ibang parte na ng katawan ang babasain, ‘hugasan’ na ang gamit natin. Tulad ng ‘hugasan ang paa,’ sa English, ‘wash the feet.’ Hindi puwedeng maghilamos ng paa.
Meron din namang mga kataga sa English na iba ang tawag natin sa Pilipino o Tagalog.
Heto ang isang halimbawa: brown sugar. Ano po ang tawag natin diyan? Pulang asukal! Anak ng asukal, bakit pati kulay ay nag-iba na? Brown, tapos naging pula?
Hindi lang po asukal – ang tawag din natin sa egg yolk ay pula ng itlog. Hindi ba dilaw ito at hindi pula? Color blind ba tayong mga Pilipino?
Siguro naman ay nakumbinsi ko kayong may mga salita talaga tayong walang katumbas sa English, o kaya’y may ibang kahulugan para sa atin kesa sa salitang English.
Hindi ka pa rin kumbinsido? Huling hirit ko na ito.
Kapag ginamit natin ang katagang “basang sisiw,” ang ibig sabihin nito ay kaawa-awa ang kalagayan. Pero kapag isinalin mo na literal sa English, ito ay “wet chicks.” Santong kabayo, pornographic ang dating, hindi po ba?
Naniniwala ka na?
(*photo mula sa web; ang artikulong ito ay isinulat para sa Buwan ng Wika)
We usually see ripples on the water. But here are ripples formed on the rock.
What I really want to see are ripples formed in humanity. The good we do today will spread to others to do the same, for we are interconnected.
**********
(*photo taken in Zion National Park, Utah, June 2023)
Noong isang araw ay nagsampay ako ng aming nilabhan. Bago ninyo isipin na mayroon kaming mahabang kurdon ng sampayan na nakabilad sa ilalim ng araw, ay hindi ito gayon.
Ang aming sampayan dito sa Iowa ay isang munting clothes rack na nasa sunroom, at ang aming isinasabit dito ay ang mga maseselang damit lamang na ayaw naming isalang sa dryer para hindi maluma o masira agad (photo below).
Sumagi sa aking isipan ang aming sampayan sa bahay namin doon sa Sampaloc, Manila. Ito’y mga alaalang nakababad pa rin sa aking utak, at matingkad pa rin ang kulay na parang bagong kula.
Ang aming sampayan sa Sampaloc ay linya ng alambre na tumatakbo sa kahabaan ng garahe sa loob ng aming bakuran. Kahit maiksi lang ito ay marami kaming naisasampay dito. Masasaksihan dito ang aming naglalambitin na bagong labang damit na amoy Perla, habang sila’y sumasayaw-sayaw sa ritmo ng ihip ng hangin, at hinahalikan naman ng init ng araw.
Ang istorya raw ng ating buhay ay mababakas sa ating sampayan.
Mula lampin, mga damit na pambata, uniporme sa eskwelahan, hanggang sa damit na pang-trabaho ay ating itinatanghal sa ating sampayan. Siguro nga hanggang sa barong, o traje de boda na pinangkasal ay pinarampa natin sa ating sampayan. Basta huwag lang ‘yung barong na may biyak sa likod, o damit pamburol ang ating ipaparada sa ating sampayan.
Kapag medyo taghirap sa buhay, kahit ang damit ay may butas o punit na, o kahit kupas na, ay gamit-gamit at nakabandera pa rin sa ating sampayan. Kapag naman medyo nakakaangat na sa buhay, o dahil may kamag-anak na nakapag-abroad o naging seaman, ay state-side o imported na ang mga damit na ating winawagayway. Minsan nga kahit rubber shoes na uwi ni kuya mula Saudi, kapag ating nilabhan ay ating ipinapasikat sa ating sampayan. Ingat lang at baka masungkit.
May mga labada tayo na matagal matuyo, tulad ng maong, sweater, o makapal na kumot, na kulang ang isang araw para isampay. Meron namang mga madaling matuyo, tulad ng t-shirt, shorts, at underwear, na konting oras lang ay pwede nang itabi. Pwera na lang kung pinapakula pa natin ang mga ito, kaya medyo mahaba-haba ang proseso. Iyong iba nga inaalmirol pa ang damit. Pati kansulsilyo!
Meron naman tayong mga damit na kahit hindi madaling matuyo ay sapilitan nating papatuyuin agad. Tulad ng mga uniporme na pampasok, lalo na kung isa o dalawa lang piraso ang ating uniporme. Kaya pagkahubad na pagkahubad ay madaliang lublob-kusot-banlaw, at tapos sampay. Kung hindi pa tuyo pagkalipas ng ilang oras, ay papaliparin na sa harap ng bentilador, o kaya’y pasasagasaan sa plantsa.
Sigurado akong kung may sampayan kayo ay minsa’y narinig mong sumigaw ang iyong nanay nang biglang bumuhos ang ulan: “Totoy! Ang mga sinampay!”
Madalas ay kahit hindi pa tuyo ang sinampay ay ibinababa na namin ang mga ito bago magtakipsilim. Isa sa mga ayaw kung amoy ay ang amoy ng basang damit na nakulob dahil hindi lubusang natuyo. Subalit maliban sa hamog at ulan, hindi namin iniiwan ang aming mga sinampay na nakatiwangwang sa gabi dahil baka sungkitin ng mga taong maiitim ang budhi. Aking aaminin na kami ay nasungkitan rin ng mga sinampay. Dapat ay pinapakula ang mga taong ganito para pumuti ang kanilang budhi!
Noong ako’y musmos pa, kami ay naglalaro sa ilalim ng aming sampayan. Doon tumatakbo-takbo at naghahabulan kami ng kapatid kong bunso. Doon din kami nagtataguan sa mga pagitan ng sinampay lalo na kung mahahaba ito tulad ng kumot at kobre-kama. Kung minsan kami ay mapapagalitan dahil nahahatak namin, o kaya’y nababahiran ng aming madudungis na kamay ang mabababang nakasampay.
Hindi kalaunan ay mga uniporme ko na sa eskwelahan, ang nakabunyag sa aming sampayan. Nagsimula sa shorts, hanggang sa naging pantalon. Paglipas pa ng panahon, sa aking pagtungtong ng kolehiyo, ay puro puti na ang kulay ng aking unipormeng nakasampay.
Minsan noong ako ay nasa unibersidad na, ako ay gumanap bilang Padre Damaso sa isang munting dula na hango sa Noli Me Tangere. Humiram ako ng abito ng pari (cassock) mula sa aking kaklaseng may kapatid na seminarista. Dahil ayaw ko namang isoli ng marumi ang abito, kaya’t ito ay aming nilabhan at inilambitin sa aming sampayan. Napatunganga ang tiyuhin kong nakatira sa silong ng aming bahay nang tumambad sa kanya ang abitong nakasampay. Napaakyat itong bigla at tinanong ang aking nanay kung nagpapari na raw ba ako at hindi na magduduktor.
Dumaan pa ang mga taon at ako ay may niligawan nang magandang binibini. Sila ay nakatira rin sa Sampaloc, malapit sa may Espanya. Sa likod ng kanilang apartment ay kung saan kami lumalagi, at doon ay magkaulayaw sa ilalim ng sampayan at ng buwan. Dito rin namin sinampay ang aming mga panukala sa buhay.
Isang araw, dumating ang panahon na natupad rin ang aking pangarap. Ako ay tumulak na patungong Amerika. Mula noon ay hindi na nasilayan ang aking damit sa aming sampayan. Kahit aking bakas ay naglaho na rin.
Namiss kaya ako ng aming sampayan?
Hindi nagtagal ay nakasunod naman sa akin ang magandang binibining nakatira sa may Espanya. Nagkaroon na rin kami ng munting sampayan sa Amerika. Ilang pagpapalit pa ng kalendaryo ay nagsabit na rin kami ng mga lampin sa aming sampayan.
Sa hindi hinahangad na pangyayari ay naibenta ang aming bahay sa Sampaloc. Ito’y aking tunay na ikinalungkot dahil wala na akong babalikan pang tahanan sa Maynila.
Subalit pagkatapos ng dalawampung taon mula nang ako’y unang lumisan papuntang Amerika, ay aking pinangahasang dalawing muli ang aming tahanan sa Sampaloc. Alam kong hindi na namin pag-aari ito. Alam kong ibang tao na ang mga naninirahan dito. At alam kong wala na akong karapatang pasukin pa ulit ito. Ngunit aking lang hangad, na kahit sandali, ay muli kong masilayan ang bahay na aking kinamulatan.
At habang ako ay bumabaybay sa dati naming kalye, ay patindi nang patindi ang aking pananabik. At sa bawat hakbang na ako’y palapit nang papalapit sa dating tahanan, ay palakas din nang palakas ang kabog sa aking dibdib.
Laking gulat ko nang bumungad na ang aming bahay…….
Kumaway-kaway sa akin ang mga sinampay! Hindi lang sa ibaba ng bahay kundi pati hanggang sa veranda ay naging sampayan (photo above).
At kahit alam kong hindi na sa amin ang mga sinampay, ay nalublob pa rin sa kaligayahan ang aking puso, dahil aking nakitang muli ang dating tahanan.