Quantcast
Channel: pinoy – Pinoy Transplant in Iowa
Viewing all 208 articles
Browse latest View live

Ene Be Yen?

$
0
0

Noong isang araw, ay nakikinig ang aking misis ng instructional video kung paano magsalita ng French. Malay ba namin, baka bukas makalawa ay mapadpad kami sa Quebec o kaya sa Paris para mag-order ng almusal na croissant at café au lait.

Hindi ko alam kung ako lang ba o lahat ng tao na hindi Pranses, pero para sa akin ay napakahirap yatang lenguahe ang French. Parang ngongo na hindi ko maintindihan. Ibang-iba ang pagbigkas kaysa sa pagkakasulat.

Tulad nito:

English: How are you?

French: Comment allez-vous? (Pronounced as: Kumant ale-bu?)

English: Where is the bus station?

French: Où est la gare routière? (Pronounced as: Uh eh lah gah uhutiye?)

Putris na ‘yan, magpapakaligaw-ligaw na lang ako, kesa magtanong kung nasaan ang istasyon ng bus.

Pero masarap pakinggan ang French kahit na hindi ko maintindihan. Alam mo ba na ang French language ay mayroong 17 na patinig (vowels)? Anak ng tinapa!

Pero mas matindi ang Danish language. Sila ay mayroong 32 na vowels. Limang vowels nga lang sa Pilipino ay hirap na tayong magkaintindihan, 17 o 32 pa kaya?

Pasalamat tayo at mas madaling bigkasin ang ating wika, dahil lima lang ang ating patinig, at bawat isa sa ito ay iisa lang ang pagbasa at pagbigkas. Pero siguro kahit pa isa lang ang patinig ng ating wika ay kaya pa rin nating ipahayag ang ating saloobin at magkakaintindihan pa rin tayo. Totoo, kahit isang vowel lang.

Hindi kayo maniwala?

Sege, pepeteneyen ke se enye. Besehen me ete:

Eng beyen keng Pelepenes,

Lepeen neng gente’t beleklek,

Peg-ebeg ne se kenyeng peled,

Neg-eley neng gende’t deleg.

Kete me ne, neeentendehen me pe ren, kehet pereng tenge leng. Enek neng tenepe! Eng geleng geleng, ‘ne. Ene be yen?

Kehet hende ke mekepenewele, pere ngeyen beleb ke ne. Genyen kegeleng eng eteng esep, keyeng ementende kehet ne pereng gege ne eng pegseselete. Mge Pelepene leng keye eng pewedeng mekesekey neng genete? Weleng senebe eng Englesh et French se eteng Peney.

Henggeng dete ne leng et beke meteleyen neng mesere eng etek nenye. Selemet pe.

Mebehey eng Pelepene!

 

 

 


Rico J, Isang Pagpupugay

$
0
0

Nitong mga nakaraang araw, ay namamayagpag sa aking pandinig ang mga OPM (Original Pilipino Music). Nalungkot ako sa balita noong isang linggo na pumanaw na pala si Rico J. Puno. Kaya para mabawasan ang aking pagkalumbay ay nagpipiyesta na lang ako sa pakikinig ng mga OPMs, lalo na sa mga kanta ni Rico J.

Isa si Rico J sa mga nagpasikat ng mga OPM. Siguro naman lahat tayong mga Pinoy ay alam ang kanyang mga kanta. Tulad nito:

“Kapalaran kung hanapin, di matagpuan, at kung minsan lumalapit nang ‘di mo alam.” (Kapalaran)

Sa totoo lang naisama ko na ang linya ng kantang ito sa isa sa aking blog, Bahala na si Batman.

Mayroon din siyang kanta na nakakapukaw ng damdamin. Tulad nito:

“Huwag damdamin ang kasawian, may bukas pa sa iyong buhay, sisikat din ang iyong araw, ang landas mo ay mag-iilaw.” (May Bukas Pa)

Nagkaroon din ako ng blog na ang pamagat ay mula sa kantang ito, May Bukas Pa.

At mayroon din mga kanta si Rico Puno na pinangarap mong sana ikaw rin ay kagaya niya. Tulad ng:

“Macho gwapito raw ako!” (Macho Gwapito)

Pero hindi naman ako naging macho dahil patpatin nga ako noong araw.

Nakakalungkot lang isipin na wala na si Rico Puno. Para sa akin na lumisan ng ating bayan at matagal nang wala sa bansa, parang bang ako’y nanghihinayang na hindi ko na mababalikan ang aking naiwan. Para bagang may kulang na sa Pilipinas na aking nakagisnan.

Pero sangayon din sa isang awit ni Rico J, eh talagang ganyan ang buhay:

“Sa mundo ang buhay ay mayroong hangganan, dahil ay lupa lamang.” (Lupa)

Hindi lang mga OPM ang namimiss ko kapag nabanggit si Rico Puno. Namimiss ko rin kung saan ako nanggaling at kung saan ako lumaki. Kung hindi ninyo po alam, si Rico J ay lumaki sa may Balik-Balik sa Sampaloc Manila. Iyong apartment kung saan sila nanirahan noon ay sa kabilang kalye lang mula kung saan ako nakatira doon sa Sampaloc. Siyempre naging proud ang mga naging kapitbahay niya nang siya ay naging sikat na.

Mabalik tayo sa mga OPM, lumaki akong nakikinig ng mga kantang Pilipino, hindi lang kanta ni Rico J. Nakakaaliw ngang isipin na iba’t iba ang mga OPM.

May mga awit na makatotoo:

“Isang kahig, isang tuka, ganyan kaming mga dukha.” (Dukha by Heber Bartolome)

May mga kantang matalinghaga:

“Patakan n’yo ng luha ang apoy sa kanyang puso.” (Balita by Asin)

At mayroon ding mahiwaga:

“Butse kik, ek ek ek.” (Butse Kik by Yoyoy Villame)

May kantang mapangutya:

“Beh, buti nga, beh, buti nga, bebebebeh, buti nga!” (Beh Buti Nga by Hotdog)

May mga kanta na garapal:

“Pahipo naman, pahawak naman, hindi na kita matsangsingan.” (No Touch by Mike Hanopol)

Kung sa panahong ito kapag kinanta mo ito ay pwede kang kasuhan ng sexual harassment.

Meron din namang mga awit na nakakatawa, pero may aral.

“Banal na aso, santong kabayo, natatawa ako.” (Banal na Aso Santong Kabayo by Yano)

Pero ang mga awit na tunay na napamahal sa atin ay iyong may kahulugan sa atin. Marahil may mga karanasan tayong hindi malilimutan na nakakawit sa kantang iyon. Para po sa akin, isa sa mga ito ay kanta ni Rico Puno:

“Alaala ng tayo’y magsweetheart pa, namamasyal pa sa Luneta nang walang pera.” (The Way We Were by Rico Puno)

Sa katunayan nai-blog ko na rin ang karanasan kong ito, Alaala ng Luneta.

Nakakamiss talaga. Kaya magsa-sound trip na lang uli ako at magpapakalunod sa mga OPM. Maraming salamat sa mga magagandang alaala, Rico J. Puno.

A-2166666-1404547268-1768.jpeg

(*photo from the web)

Batingaw

$
0
0

O aming minamahal na mga batingaw,

Pinagtanggol ang kalayaan kaya’t umalingawngaw,

Subalit pinilit supilin, kayo’y sa ami’y inagaw,

Sinakal at ginapos para hindi na makasigaw.

                 

Ngunit mga kampana ba’y mapapatahimik,

Alab ng puso ng isang bayan, ito ba’y mapipiit,

Kahit impit na ang mga tinig ito pa ri’y maririnig,

Patuloy na lalaban kahit buhay man ang kapalit.


O Inang Bayan, tayo’y kumanta’t sumayaw,

Kinalagan nang muli ang ating mga batingaw,

Kanilang mga boses muling hihiyaw,

Para sa kalayaan muling aalingawngaw.

(*A tribute to Balangiga bells. Above photo though is not of Balangiga bells, this was taken at Bantay tower in Vigan.)

Nakaw na Tingin

$
0
0

Kumakabog itong dibdib,

Pinagpapawisan ng malamig,

Direksiyon mo’y sinusulyapan,

Kahit pa nakaw na tingin lang.

Masaklap itong kalagayan,

Ako kaya’y mapagbigyan,

Sana ikaw ay mas malapit,

Nang ‘di na masyadong mahirapan.

Pasimple para ‘di mahuli,

Saloobi’y ‘di dapat ipakita,

Bakit kasi hindi nag-aral,

Ngayon sa test nangongopya.

**********

(*Sorry to disappoint you if you thought this poem is about love.)

(**Handog sa lahat ng mga estudyanteng natutuksong mangopya. Hoy, bawal ‘yan!)

Turo-turo, McDonald’s, at Jollibee

$
0
0

Namayagpag na naman ang mga commercial ng Jollibee nitong nagdaang Valentine’s. Huling-huli kasi ng Jollibee ang kiliti at sintimyento ng mga Pilipino, at siyempre pa pati na rin ang ating panlasa.

Paano ba naging pambansang tambayan ng mga Pilipino ang Jollibee?

Bago mag-bagong taon ay bumisita kami sa New York. Habang ang aming mga anak ay nag-a-iceskating sa Bryant Park sa Midtown Manhattan, ay nabanggit ng isa naming kaibigan na may bagong bukas daw na Jollibee sa lugar na iyon. Kuwento pa nila pinipilahan daw ito. Hindi lang mga Pilipino, pati mga Amerikano at ibang lahi ay nakikipila rin. Siguro curious lang sila kung bakit dinudumog ang Jollibee.

Jollibee in Manhattan (photo from New York Post)

Maraming beses din naman akong pumunta sa mga Jollibee branches dito sa Amerika. Napuntahan ko ang Jollibee sa may West Covina California. Ilang beses na rin akong kumain sa Jollibee sa Chicago. At kumain na rin ako sa Jollibee sa may Woodside New York.

Maliban dito sa Amerika nagbukas na rin ng mga branches ang Jollibee sa iba’t ibang bansa sa Asia, Middle East at Europa.

Nang maliliit pa ang aking mga anak, minsa’y nagbalik-bayan kami at nag birthday sila sa isang Jollibee branch sa may Pasay City. Natuwa naman ang aking mga anak at ang aming mga bisita sa isinagawang party. Maliban sa chicken joy at jolly spaghetti, naaliw rin sila sa pagsasayaw ng masayang bubuyog na si Jollibee.

Noong biglaan din akong umuwi ng Pilipinas, ilang taon nang nakalipas, dahil malubha ang kalagayan ng aking nanay, ay naging comfort food ko ang Jollibee. Kasi may malapit na branch mula sa ospital kung saan nakaratay ang aking nanay. O siguro miss ko lang ang lasa nito.

Hindi ako lumaki na pala-hamburger. Nang ako ay nasa high school pa (early 1980’s), hindi pa masyadong tanyag at iilan pa lamang ang Jollibee branches sa Maynila. Sa katunayan hindi namin ito tambayan dahil walang malapit sa aming eskwela.

Ang aming tambayan noon ay isang turo-turo sa tabi ng aming paaralan. Pero noong kami’y nagbalik para sa aming 25th high school graduation anniversary ay laking gulat ko na isang night club na ang nakatirik sa pwesto ng turo-turo. Ibang luto na pala ang inihahain sa lugar na iyon!

Isa pa sa tambayan ng iba naming kaklaseng pasaway noong high school ay isang esblisimyento na may pangalang “Halina.” Dito sila naglalaro. Isa itong bilyaran. Beer garden din ito. Hindi po ako tumambay doon.

Kahit nang nasa kolehiyo na ako, hindi pa rin Jollibee ang paboritong tambayan ko noon kundi isa uling turo-turo malapit sa UST. “Goodah” ang pangalan nito. Mas mura naman kasi sa turo-turo at lutong bahay pa ang putahe. Siguro mas marami pa ring mga Pilipino ang pipiliin ang turo-turo kaysa fast food, o adobo kaysa hamburger.

Ang unang branch ng Jollibee ay nagbukas noong 1978 sa Cubao. Mula noon ay isa-isa nang sumulpot na parang kabute ang mga branches nito. Kahit pumasok pa ang McDonalds sa ating bansa noong 1981, ay naging matatag pa rin ang Jollibee.

Sa pagputok ng katanyagan ng Jollibee, isama na rin natin ang McDonald’s at Wendy’s, ay nahilig nang kumain ang mga Pilipino ng hamburger at french fries. Naging westernized na ang ating panlasa. Pero iniiba pa rin naman natin ang timpla kahit na western food. Tulad ng spaghetti – ang pinoy spaghetti ay manamis-namis, na hindi tulad ng authentic Italian spaghetti na maasim-asim.

Nang ako’y napadpad na sa Amerika, ay aking natunghayan kung gaano kapalasak ang fast foods dito. Lalo na ang McDonald’s. Kahit sa mga hospital ay may mga branches ito. Sa isang hospital sa New York kung saan ako nag-training, ay may McDonald’s sa mismong floor kung saan ang cardiac cath lab. Kaya’t kung ikaw ay inatake sa puso habang kumakain ng hamburger, ay igugulong ka lang nila sa katabing cath lab.

Para sa inyong kaalaman ang McDonald’s, isang American corporation, ang pinakamalaking fast-food chain sa buong mundo. Sa katunayan lahat ng pinasukan nitong bansa ay halos patayin nito ang mga lokal na kompetisyon. Maliban sa Pilipinas, na Jollibee pa rin ang naghahari. Bakit kaya hindi kayang pataubin ng McDonald’s ang Jollibee kahit pa American hamburger ang kanilang pinaglalabanan?

Dahil kaya mas naaaliw tayo sa bubuyog kaysa sa clown (mascots)? O dahil walang panama sa chicken joy at jolly spaghetti ang kalaban? O nadadala tayo sa mga makabagbag-damdamin na mga commercials? O dahil alam natin na ang Jollibee ay katutubong produktong Pilipino kaya’t tinatangkilik natin ito kaysa sa kumpitensiya? O baka naman mas masarap lang talaga sa ating panlasa ang pagkain nito?

Ano man ang dahilan, naging pambansang tambayan na ng Pinoy ang Jollibee kaysa iba pang fast food chain o restaurant. (Wala po akong komisyon sa Jollibee sa artikulong ito,  pero kung gusto nila akong bigyan ng isang taon na supply ng chickenjoy hindi ko tatanggihan ito.)

Noong ako’y nasa kolehiyo pa, sa harap ng UST Charity Hospital sa may Forbes St. (Lacson Avenue na ngayon) ay may mga lumang bahay na ginagawang boarding houses. Isang araw nagkararoon ng sunog dito, taong 1990 yata iyon. Isa sa aking kaibigan ang nasunugan ng boarding house. Matapos matupok ang lugar na iyon, ang ipinatayong gusali ay hindi na mga bahay, kundi isang malaking McDonalds.

Bulung-bulungan ng iba, dahil hindi mapagiba ang mga lumang bahay para gawing commercial complex kaya raw ito sinunog. Hindi ko sinasabing totoo ito at wala po akong inaakusahan, at lalong hindi ko sinasabing may kinalaman ang McDonald’s o sinuman dito.

Maaring natuwa ang mga estudyante ng UST dahil may malaking McDonald’s na sa harap nito. Hindi nagtagal, isang malaking Jollibee rin ang itinayo katapat nito. Ngayon sangkatutak na fastfoods na ang nasa paligid at pati sa loob ng university. Nandoon pa kaya ang tambayan naming Goodah?

Baka sa susunod, mawala nang lubusan ang mga turo-turo at karinderya. Huwag naman sana.

Abangers: Endgame

$
0
0

(No spoiler alert for Avengers: Endgame movie.)

Tumabo na naman sa takilya ang pelikula na tungkol sa ating mga paboritong superheroes, ang Avengers: Endgame. Sa panahong sinusulat ko ang akdang ito ay hindi ko pa napanood ang naturang pelikula, kaya’t hindi ko pa maibibida ito sa inyo.

Pero ibang superhero ang aking tatalakayin sa post na ito. Sila ang mga superhero o nagpapakabayani na maghintay at mag-abang – ang mga Abangers. Opo tinalakay ko na sila sa post ko noon, Abangers: Infinity Wait, pero sana’y pagbigyan ninyo akong muli na pag-usapan natin sila.

Sino ba ang mga Abangers na ito? Sila ba iyong nag-aabang ng nagtitinda ng puto o balut? O iyong nag-aabang ng jeepney o bus? O kaya nama’y nag-aabang ng kinsenas o katapusan ng buwan na suweldo? O nag-aabang sa kanto ng away o kaya’y sa kalye ng tsismis? Hindi po mga ‘yan ang tinutukoy ko.

Ang mga Abangers na aking tinutukoy ay ang mga taong nag-aabang na mahalin sila ng kanilang iniibig na may mahal namang iba. Sila ang mga taong umiibig ng boyfriend o girlfriend ng iba, o mas masaklap pa asawa na ng iba. Iyan ang mga super bayaning Abangers.

Siguro may kakilala kayong Abanger? O baka ikaw ay isang Abanger din? Kaibigan, siguro kailangan mo nang mag-isip-isip at baka ikaw ay nag-aabang lang ng wala. Ika nga, naghihintay na pumiti ang uwak.

Noong ako’y bata-bata pa ay maraming kanta akong nagisnan na nagsasaad ng ganitong damdamin. Sa katunayan naging sikat ang mga kantang ito. Dahil kaya marami kasing mga tao ang nakaka-relate sa mga awit na ito?

Ito po ang isang lumang kanta. Sa aking pagkakaalala ay si Jaime Rivera ang orihinal na umawit nito, pero noong makailan lamang ay may cover din si Morrissette Amon ng kantang ito – “Mahal Naman Kita.” Sabi ng kantang ito:

Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa,
Bakit may mahal ka nang iba,
Ngunit ‘di bale na kahit mahal mo siya,
Mahal naman kita.

Heto pa ang isang lumang kanta ulit. Si Martin Nievera naman ang unang kumanta nito, pero may version din si Regine Velazquez. Ang kantang ito ay ang “Ikaw Ang Lahat Sa Akin.” Saad ng kanta:

Ikaw ang lahat sa akin, 
Kahit ika’y di ko dapat ibigin, 
Dapat ba kitang limutin, 
Pa’no mapipigil ang isang damdamin, 
Kung ang sinisigaw, 
Ikaw ang lahat sa akin. 
At kung hindi ngayon ang panahon, 
Upang ikaw ay mahalin, 
Bukas na walang hanggan, 
Doo’y maghihintay pa rin. 

Mayroon pa akong alam na kanta, sinalumang awit ulit. Isinulat at inawit ito ni Rey Valera. Pero may bago-bagong version nito si Piolo Pascual. Ano ba yan, bakit yata puro recycle na ang ating mga kanta? Ang kanta ni Rey Valera ay ang “Walang Kapalit.” Sangayon sa kanta:

At kung hindi man dumating sa ‘kin ang panahon,
Na ako ay mahalin mo rin,
Asahan mong ‘di ako magdaramdam,
Kahit ako ay nasasaktan,
Huwag mo lang ipagkait,
Na ikaw ay aking mahalin.

Pero heto ang mas matindi. Isang lumang OPM ulit na ang orihinal na kumanta ay si Basil Valdez, pero may cover din si Sarah Geronimo. Ang kanta ay ang “Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan.” Sabi ng kanta:

At kung sadyang siya lang ang ‘yong mahal, 
Asahan mong ako’y ‘di hahadlang, 
Habang ikaw ay maligaya ako’y maghihintay, 
Maging hanggang sa dulo ng walang hanggan. 

Talagang matindi ano? Maghihintay hanggang sa dulo ng walang hanggan! Subali’t maganda bang gawin iyon? Para po sa akin, ay hindi yata tama.

Ang kanta ay natatapos. Ang ubo ay nauubos. Pati nga liwanag ng bituin ay nauupos, kaya nga may black hole. Lahat ng bagay ay may katapusan. Kung ang paglalakbay ng alon sa dagat ay may dalampasigang hangganan, ang bus ay may terminal, at ang pasada ng jeepney ay may boundary, kaya ang mga biyaheng one-way na pag-ibig sana ay may hangganan din.

Kahit po sa mga Abangers, dapat may Endgame.

Noong makalawang araw ay naghalughug ako ng mga bagong OPM na mapapakinggan. Alam kong hindi na mga bago ‘yung iba, pero para sa aking pandinig, ay mga bago ito. Kahit mahigit dalawang dekada na po akong wala sa Pilipinas ay patuloy pa rin naman akong nakikinig at naaaliw sa mga awit na sariling atin.

Dito ay natuklasan ko ang dalawang “hugot” na mga kanta. Ito ay nagsasaad rin ng mga damdamin ng isang Abanger. Pero sa halip na sila ay umaasa nang umasa ng walang hanggan, o kaya’y umibig kahit na walang inaasam na kapalit, ang mga kantang ito ay nagpasyang may katapusan ang kanilang paghihintay. Ika nga Endgame na.

Ang unang kantang aking napakinggan ay kanta ng Ben and Ben. Ito ay ang “Kathang Isip.” Sabi ng kanilang kanta:

Pasensya ka na,
Sa mga kathang isip kong ito,
Wari’y dala lang ng pagmamahal sa iyo,
Ako’y gigising na,
Sa panaginip kong ito,
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo.

Heto pa ang isa. Kanta ng Muni-mini, “Sa Hindi Pagalala.” Wika ng kanta:

Kakalimutan na kita,
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo,
Napagisipan mo na ba, 
Dahil kakalimutan na kita,
Eto na, eto na.

Tulad ng aking nasambit na noon, ako’y naging superhero din. Ako ay minsa’y naging Abanger din noon. Pero buti na lang at ako’y nagising sa aking kathang isip at kusang nag-endgame. Dahil kahit superhero o may superpower, may panahong dapat tayong sumuko, lumayo at lumimot na.

Mga Abangers, Endgame na!

**********

Here’s the official music video of Kathang Isip:

(*photo from web, video from youtube)

Flying the Roads of Tuscany

$
0
0

When we talk about Italy’s countryside what comes to mind are the picturesque rolling hills and bountiful vineyards of Tuscany.

And there’s no better way to tour this scenic place than the iconic Italian way – riding the Vespa or the Fiat. Well, you could do it too with a Ferrari convertible but that would cost you an arm and a leg.

During our visit to Italy we did the Tuscany Vespa Tour. (This is not a sponsored article though I would gladly accept even a free pizza if they offer.) Some of us rode the Vespa scooter while some of us rode the classic small Fiat car. I did the Vespa.

We picked up the Vespa and the Fiat from the tour’s office parking lot. After a brief tutorial, as I have not ridden a motorcycle since more than 25 years ago, I became more comfortable of riding it. I was at least confident that I would still be alive after the tour.

Then off we go!

Our first stop was at a local vineyard.

After parking our motorcycles and cars, we toured the place which includes wine tasting. I am not really into wine, but they had prepared free pasta lunch too, so I was more than happy. Plus I don’t think indulging in wine and riding a motorcycle afterwards was a good idea.

I even saw a black cat at the winery. Was it a bad omen? Should we not continue on our trip? Nah!

After the vineyard tour, we were back on the road again.

Our next stop was a quaint town. We parked our vehicles and walked around the small town. Here we tasted free samples of truffle spreads, different kinds of cheese, and balsalmic vinegar offered in the local stores. Their balsalmic vinegar tastes good that it rivals the sukang Iloco (being a half-bred Ilocano, I’m still biased for the sukang Iloco).

After hitting the road again, our last stop was an old fortress. Its medieval courtyard was transformed into shops and eateries. There were no sword-wielding knights nor jousting tournament though. The closest we had to a battle were tourists jostling to buy the ever popular Italian gelato. Of course we had some too.

Overall, it was a really fun ride. You may think that this small scooter is under power, but it is not. Yes it is not as muscular as the Harley-Davidson, but this Vespa Sprint model with its 125 cc cylinder can still fly through the Tuscan hills.

It was a swell experience to fly the Tuscan roads with the sunlight on my eyes, wind on my hair (even though I don’t have much) and bugs in my face. Wait…..what?

Actually “flying” has a double meaning here, as this includes the flying insects that may hit your face as you zoom through the hills. I must be in a state of exhilaration with my mouth wide open that one insect hit my teeth. Good thing I was able to spit it out.

Italian bug tasting? Not included in this tour.

From the roads of Tuscany,

Pinoytransplant

(*All photos taken with an iPhone. Thanks to my unofficial photographers who took some of the pictures. A shout out to JDC Private Tours, who made our tour of Italy such a pleasant experience.)

Hugot Lines sa Jeepney

$
0
0

Kung minsan ay may mandurukot sa loob ng jeepney. Mag-ingat po tayo sa kanila. Pero hindi po ‘yung mga nandudukot ang tema ko ngayon, kundi ‘yung mga humuhugot kahit na sa jeepney. Unawain na lang po natin sila.

Kung hindi ninyo maibigan, ay ipagpaumanhin na lang po sana. Wala na lang pong kokontra.

Hugot #1

Driver: Heto po ‘yung sukli nung isang Quiapo.

Pasahero: Hindi na bale mama, nasanay na po akong hindi nasusuklian.

Hugot #2

Driver: Pakiabot na nga lang po.

Pasahero: Matagal ko nang pinapaabot kuya, pero dedma pa rin. Wala pa rin marating.

Hugot #3

Driver: Saan po itong bente pesos?

Pasahero: Diyan po sa may PAG-ASA. Kahit wala naman talaga.

Hugot #4

Driver: Ilan po itong bente?

Pasahero: Isa pong pa Balik-Balik. Walang ngang kadala-dala eh. Hindi pa rin natututo.

Hugot #5

Pasahero: Manong, kulang po yung ibinigay ninyong sukli.

Driver: Kulang? Lagi na lang akong kulang! Kailan ba makokontento?

Hugot #6

Driver: Bawal po ang sabit.

Pasahero: Alam ko namang sabit lang ako eh. Hindi ko lang talagang kayang bumitaw.

Hugot #7

Driver: Saan po itong singkwenta?

Pasahero: Diyan po sa Monumento. Pero pwede rin sa Luneta. Lagi na lang kasi akong nagpapakabayani. Pwede na akong tayuan ng Monumento.

Hugot #8

Pasahero: Para na po mama.

Driver: Sandali lang po, itatabi ko lang kayo.

Pasahero: Ganyan naman talaga kuya, lagi na lang ako sa tabi.

Hugot #9

Driver: Paki-usog na lang po diyan sa kaliwa, kasya pa isa diyan.

Pasahero: Hindi bale na lang po. Kahit pagsisiksikan ko ang sarili ko, wala pa rin akong puwang sa kanya.

Hugot #10

Driver: (*sa pasaherong sumasakay) Konting bilis at kapit na lamang po. Lalarga na tayo.

Pasahero: Ang higpit na nga po ng kapit ko. Pero lagi pa rin akong laglag, kuya.

Hanggang dito na lang po, boundery na. Magkakarga lang po ng krudo….este, kape. Sige, laglagan na.

photo from here

(*blaming my jet-lag for this transient craziness)


Hugot Lines sa Sari-Sari Store

$
0
0

Heto na naman po ako, huhugot na naman. May pinaghuhugutan ba kamo? Wala naman, nabubuwang lang. Pagpaumanhin na lang po sana ulit, kung sakaling hindi ninyo maibigan.

Dumako tayo sa paborito kong dating tambayan. Ang sari-sari store ni Aleng Luring.

Hugot #1

Suki: Tao po. Pabili nga po ng paminta.

Tindera: ‘Yung buo o durog?

Suki: ‘Yung durog po ate, kagaya ng damdamin kong durog.

Hugot #2

Suki: Ale, pabili nga po ng suka.

Tindera: Anong klaseng suka?

Suki: Gusto ‘yung mabagsik at matapang. ‘Yung hindi susuko. Hindi gaya ng aking puso.

Hugot #3

Suki: Tao po. Pabili nga po ng patis.

Tindera: Isang malaking bote ba?

Suki: Hindi po. Puwede bang pinakamaliit lang. ‘Yung para sa akin lang. Ang dami kasing gustong makisawsaw.

Hugot #4

Suki: Pabili nga po ng baterya.

Tindera: Eveready o Energizer – ‘yung keep on going and going?

Suki: Puwede po bang patay na baterya. ‘Yung hindi na tatakbo. Ayaw ko nang laging iniiwan.

Hugot #5

Suki: Ale, pabili po ng sabong panlaba.

Tindera: Anong brand ng sabon?

Suki: Kahit ano po, basta huwag lang Pride. Hindi kasi iyon natatanggal, kahit ilan beses pa banlawan.

Hugot #6

Suki: Tao po. Pagbilhan nyo nga po ako ng bawang. Dalawampung ulo po ng bawang.

Tindera: Aba, marami ka yatang igigisa.

Suki: Hindi ho. Panlaban ko lang ‘yan. Dahil sa akin na nga, pero marami pa rin umaaligid at gustong umaswang.

Hugot #7

Suki: Tao po. Pabili nga po ng Band-Aid.

Tindera: Ilang Band-Aid?

Suki: Isa lang po. Ako lang naman ang nasaktan at nasugatan.

Hugot #8

Suki: Pabili nga po ng bumbilya.

Tindera: Anong klase?

Suki: ‘Yung spotlight. Para mapansin at makita niyang nandito lang naman ako.

Hugot #9

Suki: Pabili nga po ng papel.

Tindera: Anong klaseng papel.

Suki: ‘Yung graphing paper po. Kasi puro lang drawing ang mga plano niya sa amin.

Hugot #10

Suki: Tao po. Pabili nga ng bubble gum.

Tindera: Anong klase?

Suki: ‘Yung tumatagal ang tamis at hindi sa umpisa lang.

Hugot #11

Suki: Pabili nga po ng Coke.

Tindera: Litro ba?

Suki: Hindi po. ‘Yung pang solo-size po. Ako lang naman laging mag-isa.

Hugot #12

Suki: Kuya, pabili nga ng kape.

Tindero: Anong klaseng kape?

Suki: Kapeng barako kuya. ‘Yung sumisipa, na kaya akong gisingin sa katotohanan.

Hugot #13

Suki: Ale, pwede pong mag-pa load ng cellphone?

Tindera: Sige. Smart ba?

Suki: Hindi po Smart. Ang tanga-tanga ko nga eh. Hindi natututo. Globe na lang po. Pinapaikot-ikot lang naman ako.

Hugot #14

Suki: Ate, pabili nga ng toothpaste?

Tindera: Anong klaseng toothpaste?

Suki: ‘Yung Hapee. Para pag-ngumiti ako mukha akong happy. Kahit hindi naman talaga.

Hugot #15

Suki: Pabili po. Meron ba kayong Hope?

Tindera: Meron. Ilang kaha gusto mo?

Suki: Kahit isang piraso lang.

Tindera: Sandali lang ah. (*naghanap sa eskaparate……)

Tindera: (*lumipas ang ilang minuto) Ay, wala na pala. Naubos na.

Suki: Bakit ganun? Lagi na lang paasa.

Hanggang dito na lang mga suki, magsasara na po ang tindahan. Bukas na lang po ulit. Bukas na lang din pwedeng umutang.

photo from the web

(*a couple of entries are borrowed, but most are original materials)

Taste of Italy

$
0
0

Italian cuisine is one of the best among the world’s cuisine. It is one of the most popular and most copied type of food as well. And where can you find the best authentic Italian food? In Italy of course!

When we visited Italy last month, we covered most of the country, from the northern region, with cities like Milan and Venice, to the central region which is Tuscany, including the cities of Pisa and Florence, and to the southern region, in Rome and even down to the Amalfi coast.

Amalfi coast (photo taken with an iPhone)

By the way, we avail the services of JDC Private Tours when we were in Italy, that’s why we were able to visit so many places and packed so many activities in such a short period of time. I was more than happy and have only compliments of their business.

Part of our trip of course was sampling authentic Italian food. Their cuisine is known for its regional diversity, especially between the north and south of the Italian peninsula.

Overall, the Italian foods that we ate, from the ‘street’ and on-the-go food to the long sit-down fine dining with 5-course dinner, (one evening we’re treated out by a friend from Rome and we ate dinner for almost 2 hours!), and from the appetizer like bruschetta, to the dessert like tiramisu, were all very good. It was really a delightful gastronomical experience.

Here in the United States, when we talked about Italian food, we think mostly of pizza and pasta. However, many of the “Italian” food we have here are somewhat modified to cater to the American taste.

For instance, when we went to one local restaurant in Rome, there was a note in their menu that says, “we don’t serve spaghetti with meatballs, fettucini alfredo, and lasagna.” That was interesting. Perhaps that’s all the American tourists order, and to the locals those were not even really authentic Italian dishes.

To say that Italy have many kinds of pasta, is an understatement. After all it is the mecca of pasta. But one thing peculiar is all their pasta are served “al dente.” Meaning it is really firm, teetering to raw, that you have to bite and chew it before you can swallow.

Leaning Tower of Pizza…….I mean Pisa

Another thing is that the Italian pizza is not served pre-sliced. They give it to you as a whole piece, fresh from the wood-burning oven, and they give a fork and a knife for you to slice it yourself. I heard that when they first introduced pizza in New York City long long time ago, somebody had the bright idea of serving it by the slice and made more money from it. Since then pizza in the US is served pre-sliced.

In one restaurant we went to in northern Italy, I was impressed on how many types of sauce or variation they have for pizza. The menu had 3 pages just for pizza! And Hawaiian pizza? That’s not even in the menu, because as you can surmise, that’s an American version of an Italian dish.

As a Filipino who grew up in Manila, I also have a different concept of an Italian dish. My favorite is the Greenwich pizza, which I understand is a Filipino brand of pizzeria. Furthermore, I used to think that spaghetti always have a sweet-tasting sauce, just like how my mother prepares it, which is close to the taste of spaghetti in Jollibee, the largest Filipino chain of fast-food restaurants.

When I migrated to America more than 20 years ago, the first time we dined in an “authentic” Italian Restaurant in New Jersey named Trattoria, I was a little surprised that the spaghetti tasted “sour.” In fact me and my wife looked at each other and said to ourselves, maybe the sauce was spoiled as it tasted different. That was an ignoramus moment for us.

Back to our tour of Italy, we landed in Milan airport and stayed in Milan for two nights. On our first day, we were so tired and jet-lagged that my son and daughter went to sleep without having dinner. But my wife and I, despite being tired, felt the hunger pangs and so we went out to eat.

view from our hotel room in Milan

Since we were in the heart of the city of Milan, there were several decent restaurants around our hotel. In fact in our hotel itself was a good ‘ristorante,’ but my wife and I wanted to explore the city. And lo and behold, just walking two blocks from where we were staying, we found what we were looking for.

We were excited as we enter the restaurant. Then we ordered our very first meal in Italy. I understand that you cannot go wrong if you order pasta in Italy, and that’s what I did. I ordered spaghetti. And when I tasted the spaghetti, it was all what I envisioned. It was good.

In case you are wondering what restaurant we went to for our first Italian dinner?

It was Jollibee!

**********

(*Jollibee opened in Milan last year, and was the first ever Jollibee branch and only one so far in Europe.)

Maynila, Ikaw Ba Yan?

$
0
0

Sa ating buhay, may mga bagay na mahirap makita. Kahit hanapin mo pa, hindi sila basta basta lalantad.

Isa na dito ang mga multo at maligno. Kahit sabihin pa nating maraming Pilipino ang naniniwala sa mga ito, hindi lahat ay nakakakita sa kanila. Sabi ng iba, kailangan mo ng pangatlong mata (third eye) para sila makita. Para sa akin, dahil hindi ako naniniwala, kaya ayoko na lang silang makita.

Isa pa sa mga hindi nagpapakita ay ang mga taong may utang sa atin. Hindi ko nga alam kung saang lupalop sila nagtatago, pero asahan mo, mahirap silang matagpuan. Buti pa minsan ‘yung multo, nagpaparamdam. Pero ang mga taong may utang sa iyo? Walang paramdam.

Siguro isama na rin natin sa mahirap makita ang mga ninong at ninang kapag panahon ng Pasko. Umeeskapo rin sila sa mga naghahanap sa kanila. Kawawang mga inaanak, nagiging maligno ang kanilang mga ninong at ninang.

Isa pa sa mahirap makita, lalo na sa mga taga Maynila, ay ang mga kalsada na sa matagal nang panahon ay nawawala. Sila ay nakukubli sa ating tanaw. Tulad ng mga kalsada sa Divisoria, Quiapo, at Sta. Cruz. Sa dami ng mga naglalako at mga paninda na nakatirik sa gitna mismo ng kalye, ay natabunan na ang kalsadang dapat sana ay daanan ng mga mamamayan.

Subalit, dahil may bagong pamunuan na ang lungsod ng Maynila, ang hindi ko akalaing makikita ay lumantad na.

Alam mo bang may maluwag palang kalsada sa Divisoria?

Divisoria district

Hindi ko maubos isipin na may kalye pala sa Carriedo?

Carriedo Street in Quiapo

At may lansangan palang lagus-lagusan sa Blumentritt?

Blumentritt Road in Sta. Cruz

Aaminin ko, hindi ko nakilala kaagad ang mga larawan ng mga lugar na ito, dahil malinis na sila sa mga illegal vendors na naglipana at nakabalagbag sa gitna ng kalsada, at wala na rin ang mga gabundok na tambak ng basura.

Saludo po ako sa bagong alkalde ng Maynila. At kahit matagal na akong wala sa siyudad na ito, dahil sa mga magagandang pagbabagong nagaganap sa lungsod na aking pinagmulan, ay lalo kong ipagyayabang na ako ay lumaki sa lungsod ng Maynila.

Sana ay maisiwalat at mailantad na rin ang mga aswang na nagtatago sa anino ng gobyerno, na sumisipsip sa kabang yaman ng bayan.

Masigasig ko pong aantabayanan at tututukan ang mga bali-balita mula sa aking bayan.

Mabuhay ang Maynila!

(*images from Philippine news outlet)

Salin-wikang Tula: A Challenge

$
0
0

Noong makaraang araw, isang Pilipina blogger, si Jolens (read post here), ang nag-post ng mga banyagang tula na kanyang isinalin sa ating sariling wika. Ika niya, ang pagsasalin-wika ay magandang pagsasanay upang mahasa ang ating husay sa lenguahe.

Siya rin ay nag-alok ng hamon (hindi po ham, challenge ang ibig kong sabihin) sa mga ibang blogger, kasama na po ako dito, na magsalin din daw ng tula sa ating wika. Aking malugod na tinanggap ang hamon na ito.

Akin pong pinili ang isang classic at tanyag na tula sa Ingles. Ito ay isinulat ni William Ernest Henley.

Invictus

Out of the night that covers me,
Black as the pit from pole to pole,
I thank whatever gods may be
For my unconquerable soul.

In the fell clutch of circumstance
I have not winced nor cried aloud.
Under the bludgeonings of chance
My head is bloody, but unbowed.

Beyond this place of wrath and tears
Looms but the Horror of the shade,
And yet the menace of the years
Finds and shall find me unafraid.

It matters not how strait the gate,
How charged with punishments the scroll,
I am the master of my fate,
I am the captain of my soul.

Heto naman po ang aking pagkakasalin sa ating wikang tinubuan, at kahit hindi man salita kada salita, ay pinilit kong mapanatili ang saloobin ng buong tula:

Invictus

Mula sa gabing sumusuklob sa akin,
Pusikit na gaya ng balong napakalalim,
Anumang mga diyos, sila’y aking pinasasalamatan,
Sa kaluluwa kong hindi magagapi kailan man.


Sa pagkakalugmok sa mahigpit na kalagayan,
Hindi ako humikbi o tumangis man,
Sa kabila ng hataw at hagupit ng kapalaran,
Ako’y taas noo pa rin kahit na sugatan.


Sa ibayo ng lupain nitong poot at luha,
Mga anino ng lagim na laging nagbabadya,
At anumang panganib ng mga taon na lumipas,
Bahid ng takot sa aki’y hindi namalas.


Gaano mang kakitid ang aking daraanan,
Hitik man ng parusa ang sa aki’y iniatang,
Ako pa rin ang panginoon ng aking kapalaran,
Sa aking buhay, ako ang Kapitan.

**********

(*Invictus means unconquered in Latin; above photo is of the Colosseum, taken during our visit to Rome)

Ebolusyon ng Wika: Tadbalik Edition

$
0
0

Limang taon na pala nang aking kathain ang artikulong “Ebolusyon ng Wika” sa blog site na ito. Marami na rin naman ang sumilip dito. Ngayon, dahil may panibagong interes sa ating katutubong wika kaya naingganyo akong isulat ang sunod na akdang ito.

Ang popularidad ng bagong Meyor o Yorme ng lungsod ng Maynila na may makulay na pananalita ang dahilan kung bakit may ibayong taginting sa ating wikang Pilipino.

Siguro naman ay nakakasakay na kayo sa mga katagang binibitiwan ni Yorme Isko Moreno. Bukang bibig niya ang mga terminong etneb (bente), posam (sampu), takwarents (kwarenta), kodli (likod), gedli (gilid), wakali (kaliwa) at nanka (kanan). Ito’y mga salitang baliktad o kaya’y tadbalik.

Dahil sa lumaki ako sa panahong nauso ang mga salitang kalyeng ito, kaya’t parang masarap muling mapakinggan ang mga katagang ito. Para bagang pagbabalik tanaw na rin sa lumipas na kahapon.

Aaminin ko, hindi po ako mahilig magsalita ng pabaliktad. Siguro dahil sa taga-Bulakan ang aking lahi, mga dugong Balagtas at makakata, kaya’t medyo “purist” o dalisay kaming mag-Tagalog. Hindi naman ibig sabihin ay nag-babalagtasan kaming magsalita sa aming tahanan.

Ngunit sa aba ko, sawing kapalaran,
Ano pang halaga ng gayong suyuan,
Kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan,
Ay humilig na sa ibang kandungan.
(hugot mula sa Florante at Laura ni Francisco Balagtas)

Naiintindihan ko naman po ang mga salitang pabaliktad. Lalo na kapag nasa kalye ako, kagaya nang kapag kami ay nagbabasketball sa kalsada, mariringan ko ang mga kalaro ko na nagbibigay ng direksiyon pagnaglalaro: “Sa wakali mo, sa wakali mo!”

Pero dehins ako magiging tapat kung sasabihin kong hindi ako kailan man nangusap ng salitang kalye. Dahil minsan isang panahon ay naisama rin naman sa aking bokabularyo ang mga salitang ermat, erpat, tsekot, lespu, goli at olats.

Use olats and goli in a sentence: Olats ako sa kagwapuhan ni Richard Gomez, pero tatlong goli lang ang lamang niya.

Sinasambit din naming madalas noon ang salitang tomgu (gutom) o “Tom Jones.” Example: “Pards may makakain ba tayo diyan, kasi Tom Jones na Tom Jones na ako.” Hindi ko po ikakaila, miyembro po ako noon ng isang frat – farating gutom.

Bakit ba mahilig magsalita ng pabaliktad ang mga Pilipino? Meron pa ngang libro na inilathala si Bob Ong na ang pamagat ay “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino.” Baliktad ba talaga ang takbo ng utak nating Pilipino?

“Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?” (quote from Bob Ong , Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino.)

Ang pagbabaliktad ng salita sa aking pagkakatanto, ay nauso noong 1970’s, nang sumikat ang Hippie culture. Dito sumabog ang mga mapagrebeldeng ideya. Tulad nang pagpapahaba ng buhok ng mga lalaki. Pati babae, nagpapahaba rin ng buhok – sa kili-kili. Nagrerebelde sila kaya ayaw din nilang maligo. Hindi po ako nakisali doon. Siguro dahil sa pagrerebelde, kaya pati salita ay iniiba nila. O kaya nama’y gusto lang nilang gawing mas makulay ang ating wika.

Noong panahon ding iyon nauso pati mga kantang may salitang pabaliktad. Pumatok noon ang kanta ni Mike Hanopol na “Laki sa Layaw, Jeproks.” Ang Jeproks po ay baliktad ng salitang project. May kanta rin si Sampaguita na pinasikat noon, ito ay ang “Nosi Balasi” na ang ibig sabihin ay ‘sino ba sila.’

Mga ilang dekada ang lumipas, pero may mga baliktad pa rin mga pananalita. Noong 1990’s ang Eraserheads naman ay naglabas ng kantang Bogchi Hokbu – na baliktad ng Chibug Buhok. Ito po ang sample ng kanta, tignan ko kung masasakyan ninyo:

Wanga tenants ng reksli,
Toing takans na toyi,
Napha oyats ng nengmi,
Nananakirima,
Bangbangbangalalala,
Tastastasbobona,
Bogchi Hokbu.

Pero hindi po henerasyon ng mga Hippie ang pasimuno ng pagbabaliktad ng salita. Kasi, panahon pa ng Kastila ay binabaliktad na ng mga Pilipino ang salita o pangalan. Hindi kayo maniwala? Siguro naman ay kilala ninyo ang isa sa ating bayani na si Marcelo Del Pilar. Ang kanyang ginamit na pen name ay Plaridel, na galing sa Del Pilar. Petmalu si Del Pilar ano po?

Maliban sa mga salitang baliktad, meron ding mga salita sa bokabularyo ni Mayor Isko Moreno na pamilyar sa akin dahil naging bahagi rin ito ng aking wika noon at kahit hanggang ngayon. Isa rito ay ang salitang ‘tolongges.’ Nasaan na kaya ngayon ang mga tolongges kong kabarkada noon? Kung inyong aalamin, noong 1981, ay may isang pelikula si George Javier na ang pamagat ay “A Man Called Tolongges.”

Pero meron din namang mga kataga is Yorme na ngayon ko lang narinig. Ngayon ko lang nakilala is ‘Eddie’ at si ‘Patty.’ Pero ang mga ‘Spiderman,’ dati ko na silang kilala. Sa katunayan tatlong tiyuhin ko noon ay mga lineman ng Meralco, kaya galit sila sa mga Spiderman.

Hanggang dito na lang po muli. Lodi ko si Yorme, at bilib pa rin ako sa ating wika, talagang astig pa rin ito. Sana more werpa sa atin na nagsasalita ng wikang Pilipino. Mabuhay! O haymabu?

(*inilathala para sa Buwan ng Wika)

Old Stomping Ground

$
0
0

In my last post, I already alluded that I went back to New York last weekend. Besides attending a program in honor of a retiring beloved Pastor, this trip also gave me the opportunity to visit my old stomping ground.

When we were in New York about two decades ago, we lived in “the Hamptons.” But before you think of that exclusive and ritzy place in Long Island for the rich and famous, I don’t mean that.

This is the Hampton I meant – Hampton Street in Queens, New York.

We lived in one of these apartment complexes.

My wife and I also visited “Ihawan,” one of the several Filipino restaurants in the neighborhood where we used to frequent before. We had a hearty (as in heart-attack risk?) breakfast here.

After breakfast, we walked to the hospital where I did part of my medical training. I even went inside and check out the place. There was much changes here since the time I left.

Then we hopped on the number 7 train of the New York City Metro. This line of train is on the top of the street instead of being underground, at least in this part of town.

We rode the train and boarded off here, the Grand Central Terminal in Manhattan.

People here are always rushing, and time seems to be incessantly fleeting in this place. Except for us now, as we had time to kill and just relax.

We then walked through New York City midtown and end up in Bryant Park. We were also in this place last December where our kids went ice skating. This place looks very different in the summer as instead of an ice skating rink, there is lawn grass.

We just sat down here and did some people watching. There were even some ballet dancers practicing at the park.

Then we headed down to Time Square area as we wanted to see a “new” establishment there. We heard it opened in October of last year. Was it an earth-shaking institution or such an epic landmark that it forever altered the face of Time Square? I don’t know, you tell me.

Perhaps we were just hankering for that certain taste of home. We were greeted inside by this happy guy.

That sums up our short visit to the city. Until next time…….

From New York City,

Pinoytransplant

**********

(*all photos taken with an iPhone)

Tag-lagas: Isang Balik-Tanaw

$
0
0

(Nais ko po muling balikan ang isang akda na aking isinulat walong taon na ang nakalipas, inilathala Oktubre 7, 2011.)

Lumalamig na naman ang simoy ng hangin dito sa amin. Tumitingkad na rin ang mga kulay ng mga dahon at nagiging ginintuan at pula. Unti-unti rin silang nalalagas, nalalaglag at kumakalat sa lupa. Dahan-dahang namang kumukupas ang mga luntiang kulay ng damo sa aming paligid.

Lipas na naman ang tag-araw. Hindi magtatagal ay tagginaw na naman. Lilipad na naman at babalut sa kapaligiran ang puting niyebe.

Nakaupo at nakahalukipkip sa isang sulok ng aming tahanan ang aking nanay. Siya ay dumadalaw sa amin dito sa Amerika, at mahigit dalawang buwan na rin siyang namalagi dito. Ito ay pangatlong pagkakataon niyang makarating dito sa aming lugar. Ang unang dalaw niya dito, mga ilang taon na ang nakalilipas, ay sa kalagitnaan ng tag-lamig, dahil gusto raw niyang masaksihan ang niyebe. Ngunit dahil sa sumusuot sa butong ginaw ng tag-lamig dito, ay ayaw na niyang manatili at maranasang muli ang tagginaw.

Dahil na rin siguro sa kanyang edad, ay hindi na siya mahilig mag-lalabas at mamasyal. Pinipili pa niyang umupo sa isang tabi at maiwan na lamang sa loob ng aming bahay. Masaya na siya sa panonood sa kanyang mga apo, o dumungaw sa bintana at magmasid sa kapaligirang mundo na patuloy sa pag-ikot. Maaring maligaya na siya na magbalik tanaw na lamang sa mga kasaysayan ng kanyang buhay.

Lahat ay nagbabago. Walang sinisino.

Malaki na rin ang ipinagbago ng aking ina mula ng ako’y unang tumulak parito sa Amerika. Hukot na ang kanyang tindig. Mahina na ang kanyang mga kamay: mga kamay na minsang panahon ay malalakas sa pag-aaruga sa aking kabataan. Malabo na rin ang kanyang mga mata: mga matang minsa’y kay linaw sa pagbabantay noon sa aking kalikutan. Purol na rin ang kanyang pandinig: mga tengang dati-rati ay matalas na dumidinig ng aking mga iyak at tawag. Mabagal na rin ang kanyang mga hakbang: mga hakbang na noon ay mabibilis sa paghabol sa aking kamusmusan, para ako’y malayo sa panganib.

Pana-panahon lamang ang lahat, ika nga nila. Ang oras ay tumatakbo, hindi naghihintay kaninuman.

Ilang araw pa ay tutulak na muling pabalik sa Pilipinas ang aking nanay, parang ibong manglalakbay na lumilipad patungong timog upang tumakas sa nagbabadyang masungit na taglamig.

Hindi ko alam kung ilang pag-kikita at ilang pag-papaalam pa ang nalalabi sa amin. Panahon lamang ang makapagsasabi. Sana ay nakapagdulot ako ng kasiyahaan bilang isang anak sa aking ina. Ito lamang ang pinaka-matamis na ala-alang maipapabaon ko sa kanya.

Hindi magtatagal ay mauubos at mahuhulog na rin ang lahat ng dahon sa mga puno, at matitira na lamang ay mga hubad na sanga at tangkay nito. Mananatili itong pawang tigang at patay…… hanggang sa panahon ng tag-sibol at muling magsisimula ang panibagong buhay.

***********

(*Post note: Ang aking ina ay tuluyan nang namaalam tatlong taon matapos kong isulat ang akdang ito.)

(**autumn photo taken from the web)


Isang Gabi sa Quezon Avenue

$
0
0

Malamig ang simoy ng hangin at magpapasko noon, mahigit dalampu’t limang taon na ang nakalipas. Namamayagpag ang mga kanta ni Jose Marie Chan mula sa kanyang album na “Christmas In Our Hearts.” Bago at hindi pa gasgas ang mga kantang ito noon. Pero alam kong kahit na hanggang ngayon, hindi pa rin kumukupas ang mga awit na ito dahil pinapatugtog pa rin sila kapag buwan na ng “Ber.”

Kakatapos ko pa lang ng medical internship at wala pa akong matinong pinagkakakitaan. Ang matalik ko namang kaibigan noo’y may maganda at matatag nang trabaho sa PAL (Philippine Air Lines). Maaring sabihin na ako ay sa PAL din noon – PALamunin. Isang gabi, niyaya niya ako at ang aking nobya (ngayo’y asawa na) na samahan siya sa kanyang pakay.

Kami ba’y mamamasko? O baka magka-karoling? Magkakaraoke kaya? Pupunta sa Boom na Boom sa CCP Complex (meron pa kaya nito ngayon)? O kaya’y hahaluglugin ang Metro Manila para hanapin ang kanyang nawawalang ninong?

Hindi po, ang sagot sa lahat ng ito. May kakaibang trip sa Pasko ang aking kaibigan. Kami raw ay magpapamudmud ng munting “aginaldo” sa mga taong nangangailangan.

Aking sinilip ang loob ng kanyang kotse at sa likod na upuan nito ay naroon ang maraming supot (plastic bag ang ibig kong sabihin at hindi ibang ‘supot’ na nasa isip mo). Laman ng mga supot ay ilang gatang bigas at mga de lata. Dahil daw nakatanggap siya ng Christmas bonus kaya ipinambili raw niya ito ng bigas at mga de latang pagkain para ipamahagi sa iba. Feeling Santa Claus lang. Napabilib ako sa kanya.

Kami ay nag-drive sa kahabaan ng Quezon Avenue at doon kami naghanap ng mga kaluluwang mabibiyayaan.

Quezon Avenue (photo from here)

Nag-park kami sa isang tahimik na parte ng kalye. Naghintay kami ng mga dadaan. Hindi nagtagal ay may isang batang paslit na dumaan. May bitbit pa yata itong cell – hindi cellphone kundi cellophane. Ano kaya ang nasa cellophane? Rugby kaya? Singhot boy pa yata siya. Subalit wala naman kaming pinipiling pamaskuhan.

Tinawag namin ang bata. Lumapit naman ito, dahil hindi naman kami mga mukhang pulis. Tinanong namin kung saan siya nakatira. Tumuro siya sa isang dako, pero baka sa ilalim lang ng tulay ito natutulog. Inabutan namin siya ng aming pamasko. Natuwa at nagpasalamat naman siya at dali-dali nang umalis.

Maya-maya pa ay dinumog na ang aming sasakyan ng mga batang palaboy. Siguro nagtawag ng kanyang katropa ang unang batang aming binigyan. Mga madudungis na mga palad ang nakalahad at naghihintay sa aming bintana. Buti na lamang at marami kaming nakasupot na ipamimigay. Matapos naming abutan silang lahat, mabilis na kaming tumakas at baka isang baranggay pa ang dumating.

Nag-drive na muli kami at sa ibang lugar naman kami nag-parking. May mga paisa-isang bata o matanda kaming nakita, ilan ay naghahalungkat ng basura. Inabutan din namin sila ng aming aginaldo.

Sa isang bahagi ng Quezon Avenue kung saan kami nag-park, ay dalawang dalagita ang lumapit sa aming sasakyan. Mukha lang silang mga teenager. Kusa silang lumapit sa aming kotse kahit hindi namin sila tinawag.

Hindi ko alam kung anong gusto nila. Siguro nakita nilang dalawa kaming lalaki na nakaupo sa harapan ng kotse. Mga kalapati kaya sila? Siguro napansin din nila ang aking girlfriend na nakaupo sa likuran ng kotse. Pinagkamalan ba nilang siya’y kalapati na aming na-pick-up? Kawawang girlfriend.

Paglapit nila sa aming sasakyan ay nagpakilala naman sila. Sila raw ay si Salbe at si Lable. Siguro Salve at Lovely ang pangalan nila, pero ang pagkakabigkas nila ay Salbe at Lable.

Hindi namin alam kung anong kwento ng buhay nila ngunit hindi na namin masyadong inusisa pa. Ano kaya ang dahilan kung bakit sila gumagala-gala sa kalsada kahit gabi na? Ano kaya ang nagtulak sa kanila para pasukin ang buhay na iyon?

Kung anumang ligaya ang inaakala nilang aming hinahanap ng gabing iyon ay hindi po ganoon ang aming balak. Sabi lang namin sa kanila na kami ay nagbibigay ng mga pamasko at ito ang nagdudulot sa amin ng ligaya. Inabutan na lang namin sila ng aming naka plastic bag na aginaldo at binati sila ng Maligayang Pasko. Tinanggap naman nila ito, at kami’y umalis na.

Iba-iba ang ating estado sa buhay. Iba-iba ang ating kalagayan sa Paskong ito. Habang ang iba sa atin ay maginhawang pahiwa-hiwa lang ng keso de bola, ang ilan nama’y nahihiwa sa mahigpit nilang pagkapit sa mga patalim. Maaring ang ilan sa atin ay palunok-lunok lang ng cherry at ubas, habang ang iba nama’y pilit na linulunok ang mapait na katotohanang sa kanila’y gumagapos.

Lumibot-libot pa kami hanggang sa maubos nang tuluyan ang aming mga pamasko. Kahit naubos na ang aming mga munting aginaldo, hindi naman naubos ang galak sa aming mga puso. At kahit mahabang panahon na ang lumipas, ito’y nagdudulot pa rin ng saya kapag aking naaalala.

Napihit ba namin ang gulong ng palad ng aming mga napamaskuhan upang ito’y magbago? Marahil hindi. Kung mayroon mang nagbago ito ay ang aming pakay at pananaw sa buhay.

Ilang mga tao pa kaya ang nag-uukay-ukay sa mga basura ngayon? Ilang mga bata pa kaya ang namamaluktot habang natutulog sa ilalim ng tulay. Ilang mga Salve and Lovely pa kaya ang gumagala-gala sa gabi?

Sana wala na.

********

(*Salamat Al at kami’y iyong isinama.)

Authentic Filipino Chair

$
0
0

My wife recently replaced our kitchen counter stools for they were worn out from years of use. The seat area had thinned out with some of the sea grass weaves torn or missing. We’re afraid that one of these days those seats might give out and we end up falling to the floor. Or worse, a visitor would fall to the floor.

When we were looking for replacement chairs, we decided to have an authentic Asian-inspired furniture. We thought that it should be made of yantok sticks, or bamboo, or rattan. Though we are not living in the Philippines anymore, we hope that our chairs will at least give us that Filipino-feel.

We have several Philippine-inspired items in our home besides my old barong that is collecting dust in the closet. We have an abaca runner on our dining table. We have capiz table plate mats that we bought from the Philippines. We also have the sungka (Filipino mancala game) that we placed atop of the center table in our living room which many of our guests are interested to learn how to play. We even have a parol made of capiz that was given to us years ago and we hang it every Christmas on our window.

So my wife searched high and low for new kitchen chairs. She looked for them in our local malls and furniture stores. She also searched the internet. If only she could visit the furniture shops at Calle Crisologo in Vigan, I believe she would. But finally she found what she was looking for.

When the chairs were delivered, I thought they were Asian- inspired alright. The stools are made of wood, almost like yantok, and the seat is made of woven strips like banig. When you move them, they even create that certain sound from our wood floor that is reminiscent of what we had in the Philippines. Beside being beautifully-crafted, they are sturdily-made as well.

However, they did not look like the popular chairs in the Philippines, the ones made of bentwood and solihiya rattan, that are so ubiquitous you can find them on every provincial home or rural carinderia. So I teased my wife that our chairs are not authentic enough or Filipino enough.

Few nights ago, when we were having dinner, I was a little excited as my wife cooked kare-kare, which we infrequently have except on rare occasions. I know the dish is rich and delicious (pamatay sa sarap), but too much and too often could be too rich for the coronaries (pamatay talaga).

We didn’t have bagoong that night, instead we had patis (fish sauce) to add to the flavor of the kare-kare. In my haste, I accidentally tipped the bowl where the patis was and it spilled into the countertop. The patis even flowed over into the new chair! Needless to say, the whole kitchen stank like patis.

Even after wiping the spilled patis, the smell lingered. The new chair smell like patis too. That might have added authenticity to the chair and I think they are now Filipino enough.

Pasko Sa Talyer: Isang Pag-Aala-ala

$
0
0

Pasko na naman, miss ko na naman ang Pilipinas. Pitong taon na pala nang huli kaming mag-Pasko sa atin. Pero kakaiba ang aking karanasan noong huli akong mag-Pasko sa Pilipinas. Gusto ko lang itong alalahanin.

(Ang orihinal an akda ay nalathala Disyembre 2014)

*******

Disyembre 25, araw ng Pasko. Ako ay nakaupo sa isang kahoy na bangko. Sa paligid ko ay grasa, mga lumang gulong, kalas-kalas na makina ng kotse, at kalat-kalat na kasangkapang pang-mekaniko.

Ako ay nasa loob ng talyer.

Ano kamo ang ginagawa ko sa talyer sa mismong araw ng Pasko? Naghihintay! Hindi kay Santa Claus, kundi sa aming sasakyan na nasira. Ito ang aking kwento…..

Matapos ang maraming taon na lumagi sa Amerika, at matapos maranasan ang maraming “White Christmas,” kami ng aming pamilya ay umuwi upang mag-Pasko sa Pilipinas. Mula sa Maynila ay umarkila kami ng van upang dumalaw sa aming mga kamag-anak sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.

IMG_1644

Pagkatapos naming mag-celebrate ng bisperas ng Pasko at makipag-Noche Buena sa Vigan, kami ay dapat magbibyaheng pabalik sa Maynila upang doon naman magdiwang ng araw ng Pasko kasama ng mga kamag-anak at kaibigan sa Metro Manila.

Ngunit napurnada ang aming plano. Nasira ang aming arkiladong sasakyan. May tumutulo sa ilalim ng makina. May butas daw sa karburador ng aming van.

Ginalugad namin ang buong Vigan upang humanap ng bukas na talyer, ngunit lahat ng aming puntahan ay sarado. Sino nga bang kumag ang gustong magtrabaho ng Pasko?

Naalala ko tuloy si Jose at si Maria na malapit nang manganak, noong kauna-unahang Pasko, sila ay naghahanap ng silid na matutuluyan doon sa bayan ng Bethlehem, ngunit wala silang nakita kundi isang kuwadra. Mapalad nga kami mayroon kaming tinulugan at talyer lang ang aming kailangan.

Matapos naming puntahan ang apat o limang service station at talyer, ay nakatagpo rin kami ng isang lugar na pumayag na kami ay pagsilbihan.

Sumalubong sa amin sa pinto ng talyer ay isang babaeng may kargang bata. Sabi niya ay may binili lang sa palengke ang kanyang mister, na siyang mekaniko doon sa naturang talyer.

Hindi nagtagal ay dumating na ang isang mamang nakamotorsiklo. Siya ay may bitbit na kalahating isda na lapu-lapu at iba pang rekado. Siya ang aming hinihintay na mekaniko. Pagkatapos niyang iabot ang mga pinamili sa kanyang maybahay, kami ay kanyang malugod na hinarap at inasikaso.

Hindi rin nagtagal ay sinumulan na niyang buting-tingin ang aming sirang sasakyan. Walang makikitang bahid ng pagkabugnot si manong. Sa katunayan ganado at pasipol-sipol pa ito sa paggawa, kahit amin siyang binulabog sa araw ng Pasko.

Lumipas ang isa…..dalawa…..tatlo……apat na oras……patuloy pa rin sa mano-manong pagkukumpuni ang aming mekaniko. Hindi pa rin tapos ang aming sasakyan. Hindi “White Christmas” kundi “Wait Christmas” ang nangyari sa amin.

Aaminin ko, ako ay nayamot sa kakahintay. Hindi lang siguro yamot kundi galit pa ang sumagi sa aking isip. Bakit ba nabutas ang hinayupak na karburador? Hindi ko kailangan ito! Hindi ako naglakabay ng malayo, lumipad ng eroplano, tumawid ng dagat upang mag-Pasko lamang sa talyer!

Ngunit may leksiyon yatang nais ipahatid sa akin ang Diyos sa Paskong ito.

Sa aking paghihintay, ay wala akong ibang libangan kundi magmasid sa loob ng talyer. Sa isang sulok ng talyer ay isang maliit na silid na mahigit lamang sa isang dipa ang luwag. Dito marahil nakatira ang pamilya ng aming mekaniko. Sila ay may dalawang anak. Tunay na masikip at halos kasya lang silang apat matulog doon.

Ang nakatatandang batang babae, ay marahil apat o limang taong gulang. Madusing ang kanyang kasuotan, ngunit masaya itong naglalaro sa loob ng talyer, sa gitna ng lupa at grasa. Matahimik itong gumigiling-giling sa sariling niyang tugtog at himig. Siya ay kontento sa maliit niyang mundo. Alam kaya niyang Pasko ngayon? Meron kaya siyang pamaskong natanggap?

Ang bunso naman ay halos sanggol pa lang, ay natutulog sa nakalatag na banig sa munting silid. Si Santa Claus at mga lumilipad na reindeers kaya ang kanyang panaginip? O baka naman lumilipad na ipis? Ano naman rin kaya ang napamaskuhan nito?

Habang nagtratrabaho si mister sa aming van, ay nagluluto naman si misis sa kabilang sulok ng talyer. Marahil ang kalahating lapu-lapung binili sa palengke ang kanilang pagsasalu-saluhan sa Paskong ito. Meron din naman silang konting buko salad na nasa maliit na tupperware at may isang pitchel na iced-tea rin silang handa.

Inalok pa nga ako ng buko salad at iced tea ni misis, ngunit nahiya naman ako’t akin itong tinanggihan.

Kahit kakaunti, sila ay maligaya at handa pa nilang ibahagi ang kaunting meron sila. Ako kaya? Maligaya ba ako ngayong Pasko? Hindi! Naiimbiyerna at nagmumukmok ako dahil sa nadiskaril ang aming mga plano. Sino kaya sa amin ang may tunay na ispirito ng Pasko?

Hindi kalaunan ay nagising na ang bunsong bata. Maya-maya pa ay malikot na itong pagapang-gapang sa sulok ng talyer. Nang aking tanungin kung ilang buwan o taon na ang kanilang bunsong babae, ay napapahiyang sinabi ng aming mekaniko, na lalaki at hindi babae ang kanilang bunsong anak. Nakadamit babae lamang daw ito, dahil wala silang mapasuot na damit kundi mga pinaglakihan ng kanyang ate.

Parang biglang winalis ang aking pagkayamot. Wala akong dapat ireklamo.

Hindi na nagtagal at natapos na ring kumpunihin ang aming sasakyan. Sa wakas makakabiyahe na rin kaming pabalik sa Maynila. Sa wakas matutuloy na rin ang aming selebrasyon ng Pasko!

Ngunit mas mahalaga sa lahat, ay mayroong kakaibang damdamin ang umusbong sa aking puso. May kakaibang pananaw ang nabuo sa aking isipan. Matapos sumahin ng mekaniko kung magkano ang aming babayaran, ay may bago nang ispirito ng Pasko ang naghahari sa aking katauhan.

Pinasobrahan ko ang bayad na aking inabot, sabay sambit ng “Salamat at Maligayang Pasko sa inyong pamilya.”

Abot-tenga ang ngiti ni manong, sabay bati rin ng “Merry Christmas sir! May pambili na nang bagong damit si bunso.”

Mula sa sabsaban, isinilang ang ating Manunubos. Mula sa talyer, ako’y pina-alalahanan ng tamang diwa ng Pasko.

IMG_1688

(*photos taken in Vigan, Christmas 2012)

Tracing Vicki Belo’s Wedding Trail

$
0
0

We Filipinos are fond of fairy tales. The wedding of celebrity doctors Vicki Belo and Hayden Kho in 2017 was nothing short of a fairy tale. At least in the place and setting where it happened.

(above photo taken from the web)

I was waiting for my invitation to that great event but I think the mailman misplaced it. On second thought, maybe I was not really invited.

So I did the next best thing, I visited the place where the wedding reception was held. It was in the Opera House in Paris, or also known as Palais Garnier.

This 19th century architectual masterpiece was built by Charles Garnier and opened in 1875. Today, it is home to Paris Ballet, and besides being a venue for great art performances, it is also open for visitors to tour. Well, I guess it can be rented for a wedding reception too.

It was almost closing time when we got to the Opera House, and so we did not have much time to roam, but just enough to get a feel of this grandiose place.

Here’s the majestic staircase where Belo and Hayden did their magical wedding dance.

Of course I had to climb up those steps as if I’m in a fairy tale story too. My wife and I did not dance though on those stairs for we might stumble and fall, and end up in a tragic tale instead.

Here’s the grand foyer (photo below) where the wedding banquet and tables were set up. The newly wed couple and their guests dined under these intricate painted ceilings and opulent lights.

As I said, this is an Opera House, so here’s the auditorium that can sit 2000 people and where the real magical performances are happening.

Below is an interesting Christmas tree made up of ballet shoes which was displayed during our visit. I have no idea what the golden tractor tires are for.

There is also a mystery surrounding the construction of this palatial edifice that facts and fictions are blurred. The famous tale of the “Phantom of the Opera,” a classic novel by a Frenchman, Gaston Leroux, a story that was retold in so many ways was inspired from the history of Palais Garnier.

We roamed around the halls perhaps looking for traces of Belo or perhaps searching for the phantom, until a lady with a bell called everyone still inside the opera house announcing that it was time to close. We were among the last ones who exited the place that night.

The Phantom?

I know this place was already enchanting even before Belo rented this place. Maybe someday I’ll have my birthday bash or a wedding anniversary here. Alright, I’ll dream on.

From Belo’s wedding reception place, albeit two years too late,

Pinoytransplant.

(*photos taken with an iPhone at Palais Garnier, Paris)

Nanay, Tatay, Gusto Kong Tinapay

$
0
0

Noong isang araw ay nag-bake ang aking misis ng home-made pandesal (Filipino bread roll). Siguro isang magandang epekto ng staying-at-home dahil sa COVID-19 pandemic at dahil na rin sa maraming tindahan at establisyimento ang sarado, ay marami tayong sinusubukang gawin sa ating sarili (do-it-yourself) ang mga bagay na dati nating binibili lang o kaya ay ipinapagawa sa iba. Gaya ng paggawa ng tinapay.

Isa pa ay ang pagkukulay o paggugupit ng buhok. Alam kong maraming mga tao ang napipilitang maggupit ng sarili o kaya’y ipagkatiwala sa kanilang nanay, o mga asawa, o anak ang paggupit ng kanilang buhok. Hindi ko po problema ito, dahil matagal nang ako na lamang ang nagtatabas at nag-aahit ng aking buhok.

Alam kong marami pang mga DIY projects tayong sinubukan nitong mga nakaraang linggo o buwan dahil sarado ang mga suki nating negosyo. Pero mahinahong babala lang po na dahil sarado ang mga klinika ng dentista ay huwag sana nating tangkaing bunutin ang ngipin ng ating kapamilya gamit ang pliers, lalo na’t kung hindi tayo dentista.

Balik tayo sa tinapay, naging matagumpay ang eksperimento ng aking maybahay dahil lasang pandesal naman ang kanyang nilutong pandesal. Naging matayog pa nga ang naging proyekto niya dahil maliban sa plain na pandesal, nag-bake din siya ng ube-flavored pandesal.

my wife’s ube pandesal and plain pandesal

Pero pabiro kong sinabi sa aking misis na hindi authentic ang kanyang linutong pandesal. Hindi ito katulad ng mga kinagisnan kong pandesal sa Pilipinas noong ako’y bata. Ang dahilan ay malaman ang pandesal na linuto niya at hindi gaya ng mga pandesal na binibili namin sa panaderya doon sa amin sa Maynila, na kapag kinagat mo ay malutong-lutong ang labas, pero puro hangin sa loob.

Simple lang naman aking panlasa noong ako’y bata. Masaya na ako sa bagong lutong pandesal kahit pa puno ito ng hangin. Hindi pa noon uso ang mga may flavor na pandesal, gaya ng ube-flavored, o pandan-flavored, o malunggay pandesal. Plain pandesal lang ang tipo ko.

Gusto ko rin naman ng pandecoco, monay, kalihim, kababayan at putok. Hindi anghit ang ibig kong sabihin, kundi ‘yung tinapay na putok (star bread). Noong panahon ding iyon ay nauso ang tinapay na nutriban. Sa katunayan nga ay pinamimigay pa ito ng libre sa mga publikong paaralan. Natikman ko rin naman ang nutriban, pero hindi ko ito masyadong gusto.

Naalala ko rin ang laro ng mga bata habang sinasambit nila ang:

Nanay, tatay, gusto kong tinapay,

Ate, kuya, gusto kong kape,

Lahat ng gusto ko ay susundin ninyo,

Ang magkamali ay pipingutin ko.

Isang araw noong kami’y bata pa ay nag-uwi ang aking tatay ng isang mahaba at matigas na tinapay. French bread daw iyon at baguette ang tawag doon sabi ng aming tatay. Binili niya ito sa Buenos Aires. Teka, kung French bread, hindi ba dapat sa Paris at hindi Beunos Aires, Argentina? Eh kasi iyong panaderya ay nasa kalye ng Buenos Aires sa may Santa Mesa Manila, at hindi ito galing sa ibang bansa.

Sabi pa ng aming tatay ay gusto lamang niya kaming ma-expose sa mga ibang klaseng pagkain at para hindi raw kami ignorante. Pero nang amin nang kainin ang baguette – eh tinamaan ng lintik, matigas pa sa bato ang tinapay na iyan. Sabi pa namin ay maigi pang gawin itong palu-palo sa paglalaba. O pakikinabangan din ito bilang sandata at puwedeng ihambalos sa mga kaaway.

Bumili rin ng kakaibang keso ang aking tatay para raw din matikman namin ang foreign cheese. Kumbaga ay para bang social studies namin at ma-experience ang ibang kultura. Subalit nang aming tikman ang keso, hindi lang mabaho, lasang bulok pa ito! At least, sangayon sa aming ignoranteng panlasa. Inisip na lang namin na baka may amag na iyong keso.

Sa madaling salita, hindi namin nagustuhan ang baguette at ang dayuhang keso. Iyon na ang huling pagbili ng aking tatay ng French bread. Siguro sa isip isip niya, hayaan na lang niya kaming maging ignoramus.

Lumipas ang maraming taon, hindi ko inakalang ako pala ay makakabisita sa bansa ng mga croissant at baguette. Ilang buwan pa lang ang nakalipas nang aking matikman ang original na baguette. Sa totoo lang, masarap pala ito, lalung-lalo na at bagong luto mula sa isang local French bakery.

our simple French breakfast (baguette, of course!)

Tumikim rin kami ng mga kakaibang klase ng keso habang kami ay nasa dayuhang bansang iyon. Anak ng tinapay, hindi ko pa rin maintindihan ang lasa. At kahit hindi ko man sila tuluyang naibigan ay masasabi na kahit paano sila’y aking natikman.

Tungkol naman muli sa pagluluto ng aking misis, ang kanya raw next baking project ay pandecoco at siopao.

(*photos taken with an iPhone)

Viewing all 208 articles
Browse latest View live